Ospedale L'Albergo Reale dei Poveri, Napoles
Ang Ospisyong Borbon para sa Mahihirap, na tinatawag ding il Reclusorio, ay isang dating pampublikong ospital/palimos sa Napoles, katimugang Italya. Idinisenyo ito ng arkitektong si Ferdinando Fuga, at ang konstruksiyon ay nagsimula noong 1751. May taas itong limang palapag at mga 354 metro (1,161 tal) ang haba.[1] Ito ay sikat na kilala bilang "Palazzo Fuga". Itinakda ito ni Haring Charles III ng Pamilya Borbon bilang pasilidad na nagtataguyod ng mahihirap at may karamdaman, at upang magbigay ng isang pamayanang nakatitindig sa sarili kung saan ang mahihirap ay mabuhuhay, matuto ng mga kalakal, at magtrabaho. Ang napakalaking estruktura nang sa isang pagkakataon ay naging tahanan sa higit sa 5000 mga tao, kalalakihan at kababaihan, sa magkakahiwalay na mga gusali[2] Ang gusali ay orihinal na idinisenyo na may limang mga patyo at isang simbahan sa gitna, na pumasok sa gitnang arko, ngunit ang tatlong pinakaloob na patyo lamang ang itinayo, at ang mga plano na kumpletuhin ang gusali ayon sa orihinal na disenyo ay tuluyang inabandona noong 1819. Ang gusali ay nasa sentro ng Napoles, na kung saan ay kasama ito sa Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.
Ospisyong Borbon para sa Mahihirap | |
---|---|
Albergo Reale dei Poveri | |
Iba pang pangalan | il Reclusorio |
Pangkalahatang impormasyon | |
Uri | Palasyo |
Estilong arkitektural | Neoklasisismo |
Kinaroroonan | Napoles, Italya |
Pahatiran | Piazza Carlo III, 80132 Napoles NA, Italya |
Kasalukuyang gumagamit | Comune di Napoli |
Sinimulan | 1751 |
Kliyente | Carlos III ng Borbon |
May-ari | Kaharian ng Napoes, Kaharian ng Dalawang Sicilia |
Kasero | Comune di Napoli |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 5 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Ferdinando Fuga |
Hindi tamang pagtutukoy | |
Opisyal na pangalan | Real Albergo dei Poveri |
Uri | Non-movable |
Pamantayan | Monument |
State Party | Italy |
Pinagkuhanan
baguhin- ↑ Acton, Harold (1957). The Bourbons of Naples (1731-1825). London: Faber and Faber. ISBN 9780571249015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A new guide of Naples, its environs, Procida, Ischia and Capri: Compiled ...By Giovanni Battista de Ferrari and Mariano Vasi. 1826. Tipografia de Porcelli, Naples. Page 257.