Ospital ng John F. Cotton

Ang Sentrong Pangkainaman ng Kalusugang Pangkorporasyon ng John F. Cotton (Ingles: John F. Cotton Corporate Wellness Center o John F. Cotton Hospital Center for Corporation Wellness[1]), dating kilala bilang Ospital ng John F. Cotton (Ingles: John F. Cotton Hospital, JFCH) lamang, ay isang pansarili at pangkompanyang ospital na matatagpuan sa loob ng bakurang pag-aari ng MERALCO, isang pangunahing kompanya ng dagitab sa Pilipinas.[2] Dahil sa isa ngang pribadong gusali, nakalagak ito sa loob ng Sentro ng Meralco sa Abenidang Ortigas sa Lungsod ng Pasig.[1] Dahil sa pagiging isang integradong sentro ng pagpapainam ng kalusugang pangkorporasyon ng JFCH, naging pinakunang kompanya ang Kompanyang Pangelektrisidad ng Maynila na nagsagawa ng ganitong uri ng programa sa Pilipinas.[2]

Ospital ng John F. Cotton
Map
LokasyonLungsod ng Pasig, , Pilipinas
Organisasyon
Sistema ng pangangalagaPansarili
UriSentro ng Pangkainamang Pangkalusugan, Pagalingan (Tersiyaryo)
Mga pamantayanKagawaran ng Kalusugan
Binuksan1964, naging sentro ng pangkainamang pangkalusugan noong 2004

Kasaysayan

baguhin

Mga simulain

baguhin

Apatnapung taon nang nagsisilbing tagapangalaga ng kalusugan ng mga manggagawa ng Kompanya ng Elektrisidad ng Maynila ang pribadong ospital na ito. Isa itong pagamutan at pagalingan na nagbibigay ng pag-iingat at pangangalagang pangkalusugan at ng panggagamot ng mga empleyado.[3] Noong Marso 2003, tinatayang nasa P5,519,190 ang halaga nito sa pamilihan ng lupa at ari-arian.[4]

Transpormasyon

baguhin

Pormal na naging isang Sentrong Pangpagpapainam ng Kalusugang Pangkorporasyon (Ingles: Corporate Wellness Center o CWC) ang JFCH noong 16 Setyembre 2004 upang mapanatili ang kainaman ng kalusugan at pamumuhay ng 5,000 mga trabahador ng Meralco. Isinagawa ang pagbabagong ito ni Manuel M. Lopez, ang tagapangasiwa at punong tagapagpatupad ng Meralco, at dinisenyo upang mapalawig pa ang pananaw at pangarap ng kaniyang amang si Eugenio Lopez, Sr. (unang Pilipinong nagmay-ari ng Meralco), at nakahanay sa patakaran ng kompanya hinggil sa pagpapanatili ng kalusugan at kasaganahang pangkatawan ng kaniyang mga tauhan. Dahil rin sa pagbabagong ito, nagamit ang isang bagong konsepto sa pangangalagang pangkalusugang pang-empleyado, na tumutuon sa pag-iingat at pag-iwas sa sakit sa halip na pagpapagaling ng karamdaman. Opisyal na idinaos ang pagbabasbas ng gusali ng sentro noong 20 Hulyo 2005.[2][3][5]

Pagpapatupad

baguhin

Naging sanhi ng pagsasakatuparang ng pagbabago ang pagpapadala ng mga maysakit at nagpapagamot sa Ang Lungsod na Pangpapagamot (The Medical City), isang malapit na ospital sa himpilan ng Meralco. Nagpahintulot ang paglilipat na ito ng mga nagpapatingin sa pagtutuon ng pansin sa pag-iwas sa mga karamdaman imbis na mga paggamot lamang ng mga sakit, na nagbunga rin sa guguling pangpangangalaga at sa pagtaas ng produktibidad ng kompanya.[3] Ngunit bagaman nagkaroon ng ganitong pagbabago, binibigyang pansin pa rin ng sentro ang mga paglilingkokd na medikal na kinasasangkutan ng mga pasyenteng hindi naglalagi o nahihimlay sa ospital at sa pagtataguyod ng malusog na pamumuhay ng mga naghahanap-buhay. Kabilang sa mga layunin ng sentro ang pagbabago sa gawi ng pamumuhay, epektibong pagpapanatili ng kalusugan, at ang pagbibigay ng integradong at pangkabuoang gawi sa pangangalaga at pagtataguyod, na may kaugnayan din sa nutrisyon, medikal, pisikal, espirituwal, panlipunan, sikolohiyal at emosyonal na mga aspeto ng kainamang pang-empleyado.[3][6]

Mga palingkuran

baguhin

Kasama sa mga pasilidad at kasangkapang pangsuporta ang mga instrumentong diyagnostiko o pangpagsusuri, mga kagamitang pang-eksrey, isang laboratoryong klinikal[7], at isang sentrong pampalakasan. Bilang karagdagan dito, mayroon ding 42 mga kantina ang kompanya sa loob ng mga nasasakupan ng prankisa. Nagkakaloob ang pangkasalukuyang kayarian ng malawakang programang pangkalusugan para sa mga tauhan ng Meralco at kinabibilangan ng mga programa ng pag-iwas sa mga karamdamang at kontrol ng mga ito, pagtataguyod ng kawalan ng sakit at edukasyon. Nakatuon ang paglilingkod ng ospital sa tatlong pangunahing mga area: basikong kalusugang pangkorporasyon, kainamang pangkorporasyon, at responsibilidad sa lipunan ng kompanya.[2][6]

Mga tagapamalakad

baguhin

Nabuo ang isang pangunahing pangkat na kasalukuyang namumuno at nangangasiwa sa pagbibigay ng integradong mga programa sa mga empleyado.[3] Sa pangkalahatan, pinamamahalaan at pinapatakbo ng manggagamot na si Dr. Efren R. Vicaldo ang sentro ng John F. Cotton, kasama ang pagbibigay ng pangangalagang panggagamot. Pinuno rin si Vicaldo sa seksiyon ng mga Karamdamang ng Pusong Konhenital sa Sentrong Pampuso ng Pilipinas (Philippine Heart Center) at ng seksiyon ng Kardiolohiya ng Sentro ng Panggagamot ng FEU NRMF.[2] Si Dr. Angelito P. Obillo ang direktor ng panggagamot, at isang pang administrador si Dr. Rafael B. Agra.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 MySearch.ph John F. Cotton Hospital Center for Corporation Wellness (Pasig) Naka-arkibo 2013-01-13 at Archive.is, Directory of Government and Private Hospitals In Metro Manila, MySearch.ph
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Meralco’s Cotton Hospital Transformed into CWC, A New Concept in Healthcare, Meralco Millennium Foundation, Inc. & MERALCO, Benpres-Holdings.com
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 John F. Cotton Hospital[patay na link], Meralco Annual Report, p. 23 (11 ng 24), 2005
  4. John F. Cotton Hospital, fair market value: P5,519,190, Table 13: Proportionate value of land and land rights used by Meralco’s affiliates and others, ERC Case Nos. 2001–646 and 2001-900, Komisyon ng Regulasyong Pang-enerhiya, Abenidang San Miguel, Lungsod ng Pasig, Republika ng Pilipinas, 20 Marso 2003, pp. 67 at 70 ng 104
  5. Meralco’s John F. Cotton Hospital[patay na link], Santos, Jessica V. (puno)., Corporate Social Responsibility Office CSR Projects of Selected Member Companies, p. 3 (…) Meralco’s John F. Cotton Hospital (…) and p. 18 (…) Area of focus: Health, Name of project: Corporate Wellness Center (formerly John F. Cotton Hospital), Outputs/Outcomes/Beneficiaries reached: to contribute to the wellness and health of the Meralco community by providing preventive medicine, Location/Partners: Meralco employees and dependents (…), LopezGroup.org
  6. 6.0 6.1 John F. Cotton Hospital of Meralco Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine., Corporate Wellness Center, (…) Corporate Wellness Center: In 2005, the John F. Cotton Hospital of Meralco was transformed into the Corporate Wellness Center whose services are compartmentalized into three areas: Basic Corporate Health, Corporate Wellness, and Corporate Social Responsibility (…), Meralco Millennium Foundation, Inc. & MERALCO, LopezGroup.org
  7. “John F. Cotton Hospital.” Naka-arkibo 2006-11-26 sa Wayback Machine. List of licensed clinical laboratories - CY 2004, Center for Health Development - Metro Manila, p. 9 ng 20

Tingnan din

baguhin