Osteoporosis

Sakit sa buto na nagdudulot ng pagnipis ng tisyu ng buto at paghina ng kakayahang mekanikal

Ang osteoporosis ay paghina ng mga buto ng katawan. Dulot ito ng kakulangan ng kalsyum na nakadeposito sa mga buto. Ang kakulangang ito ng kalsiyum ay nagdurulot sa mga buto na maging malutong, kung kaya't madaling mabali o masira. Ang ilan sa mga pangalawang epekto ay ang pag-ika. Ang mga huling sintomas ng karamdamang ito ay kinabibilangan ng kirot sa loob ng mga buto, ang pagiging nabubuhay na nakaupo sa silyang may gulong o wheelchair (bilang resulta ng osteoporosis), at hapdi sa ibabang bahagi ng likod dahil sa mga bali sa buto ng gulugod.[1] Ang mga matatandang tao ay higit na maaaring magkaroon ng osteoporosis kaysa sa mga taong nasa kanilang kabataan. Ang dami ng kalsiyum sa loob ng mga buto ay bumababa habang tumatanda ang isang tao. Mas malamang na magkaroon ng osteoporosis ang isang babae kaysa sa isang lalaki.[2] Isa itong sakit ng mga babaeng dumanas na ng menopause kung saan ang mga buto ay nagiging malutong dahil sa bumabang mga antas ng estrogen.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Google Health - Osteoporosis". Google/A.D.A.M. Nakuha noong 2009-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Osteoporosis Risk factors". Mayo Clinic.
  3. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 564.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.