Robles

(Idinirekta mula sa Owk)
Huwag itong ikalito sa rublo.

Ang robles, roble, o owk (Ingles: oak, Kastila: roble [isahan], robles [maramihan]) ay isang punungkahoy o palumpong na nasa loob ng sari ng mga kuwerko o kuwerka (Quercus);[1] Latin: "puno ng robles"), na kinaiiralan ng 400 mga uri.[2] Lumilitaw rin ang katawagang "oak" sa Ingles sa mga pangalan ng mga uring nasa loob ng kaugnay na mga sari, partikular na ang Lithocarpus. Katutubo ang sari sa hilagang hemispero, at kabilang ang mga uring nalalagasan ng dahon pagdating ng taglagas (desiduoso) at mga palagiang lunti, na umaabot magpahanggang sa mga latitud na malalamig papunta sa Asyang tropikal at sa mga Amerika.

Robles
Mga yabong at mga ensina ng Quercus robur
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Fagales
Pamilya: Fagaceae
Sari: Quercus
L.
Mga uri

Tingnan ang Talaan ng mga uri ng Quercus

Isang punong-gubat ang puno ng robles na may matigas na kahoy, kaya't ginagamit ito sa paggawa ng mga muwebles. Maraming iba't ibang mga uri ng robles, subalit lahat sila ay may malalaking butong tinatawag na mga ensina. Tumutubo ang mga punong ito sa maraming bahagi ng Europa at Hilagang Amerika.

Karamihan sa mga robles ang nalalagasan ng mga dahon sa pagsapit ng taglagas, ngunit mayroon isang natatangi uri ng puno ng robles, ang "buhay na robles", na tumutubo sa Timog ng Amerika. Tinatawag itong "robles na buhay" sapagkat nananatili ang karamihan sa mga dahon nito habang panahon ng tagniyebe o taglamig.

Nabubuhay ang mga puno ng robles magpahanggang sa 1,000 mga taon.[3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sunset Western Garden Book, 1995:606–607
  2. "Key facts about oak trees". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-06. Nakuha noong 2009-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Oak tree facts". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-11. Nakuha noong 2009-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Puno at Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.