Papa Pio IX

(Idinirekta mula sa Pío IX)

Si Papa Pio IX (13 Mayo 1792 – 7 Pebrero 1878) na ipinanganak na Giovanni Maria Mastai-Ferretti ang pinakamahabang nagharing Papa ng Simbahang Katoliko Romano na nagsilbing papa mula 16 Hunyo 1846 hanggang sa kanyang kamatayan na halos 32 taon. Sa kanyang pagkapapa, kanyang tinipon ang Unang Konsilyong Batikano noong 1869 na nag-atas ng impalibilidad ng papa (pagiging hindi nagkakamali ng papa). Inilarawan ng papa ang dogma ng Imakulada Konsepsiyon ni Maria na nangangahulugang si Maria ay ipinaglihi nang walang orihinal na kasalanan. Pinagkalooban rin ni Pio IX ang pamagat na Mariana ng Ina ng Laging Saklolo na isang ikonong Bisantino mula sa Creta na ipinagkatiwala sa mga paring Redemptorista. Si Pio IX rin ang huling papa na namuno bilang soberanya ng Mga Estado ng Papa na bumagsak nang buo sa mga nasyonalistang hukbong Italyano noong 1870 at isinama sa Kaharian ng Italya. Pagkatapos nito, siya ay boluntaryong naging unang "Bilanggo ng Batikano".

Pinagpalang Papa Pio IX
Nagsimula ang pagka-Papa16 Hunyo 1846
Nagtapos ang pagka-Papa7 Pebrero 1878
HinalinhanGregorio XVI
KahaliliLeon XIII
Mga orden
Ordinasyon10 Abril 1819
Konsekrasyon3 Hunyo 1827
ni Papa Pio VIII
Naging Kardinal14 Disyembre 1840
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanGiovanni Maria
Mastai-Ferretti
Kapanganakan13 Mayo 1792(1792-05-13)
Senigallia, Mga Estado ng Papa
Yumao7 Pebrero 1878(1878-02-07) (edad 85)
Palasyong Apostoliko, Roma, Italya
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}
Kasantuhan
Kapistahan7 Pebrero
Beatipikasyon3 Setyembre 2000
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.