Orihinal na kasalanan

Ayon sa isang doktrina sa teolohiyang Kristiyano, ang orihinal na kasalanan, kasalanang orihinal o pinagmulang kasalanan, minsang tinatawag na kasalanang pangninuno, kasalanan ng ninuno, kasalanan ng kanunuan, o kasalanang ansestral, ay ang kalagayan ng pagiging makasalanan ng sangkatauhan na kinalabasan o nagresulta mula sa Pagbagsak ng Tao o Pagkahulog ng Tao.[1] Ang katayuang ito ay mailalarawan sa maraming mga kaparaanan, na nagmumula sa bahagyang kakulangan, o kaya patungo sa kasalanan ngunit walang pagiging nakukusensiya ng kabuoan, na tinutukoy bilang "kalikasan ng kasalanan", at hanggang sa kabuktutang buo o kusang pagiging nakukunsensiya ng lahat ng mga tao.[2]

Paglalarawan ng Ang Pagbagsak ng Tao, ang sanhi ng kasalanang orihinal. Ipininta ni Hendrick Goltzius. Nakikilala rin ang akdang-larawang ito bilang Adan at Eba: ang Pagbagsak (Henesis 3:1-7).

Kasaysayan

baguhin

Si Agustin ng Hipona (354-430 CE) ang unang teologong Kristiyano na nagturong ang tao ay ipinanganak sa mundo sa isang estado ng kasalanan. Ang saligan ng paniniwalang ito ang Genesis 3:17-19 kung saan si Adan ay inilarawang sumuway sa utos ni Yahweh sa pagkain ng bunga ng puno ng kaalaman sa hardin ng Eden. Dahil dito, ang unang kasalanan ng taong si Adan ang naging "orihinal na kasalanan".

Mga pananaw hinggil sa orihinal na kasalanan

baguhin

Umaayon

baguhin

Ang mga taong naniniwala at nagtataguyod sa doktrinang "orihinal na kasalanan" ay nagbabatay sa pagtuturo ni Pablo na Apostol sa Sulat sa mga Romano 5:12-21 at Sulat sa mga taga-Corinto 15:22, Roma 3:10, at Mga Salmo 51:5.

Inaangking ng ilang mga Kristiyano na ang tanging paraan ng pagtakas mula sa orihinal na kasalanan ay sa pamamagitan ng pagbabayad ni Hesus sa krus.

Romano Katoliko

baguhin

Sa teolohiya ng Simbahang Katoliko, ang kasalanang orihinal ay itinuturing bilang pangkalahatang kalagayan ng pagiging makasalanan, iyon ay ang (sa kawalan ng kabanalan at perpektong kaawaang-gawa o perpektong kagandahang-loob) kung saan ang mga tao ay ipinanganak, na kaiba mula sa mga talagang kasalanan na nagawa ng isang tao. Lantad na ipinapahayag ng pagtuturong ito na ang kasalanang orihinal ay walang katangian ng pagiging isang pagkukulang na personal ng sinuman sa mga anak o kaapu-apuhan ni Adan.[3] Sa ibang pananalita, ang mga tao ay hindi nagpapasan ng "orihinal na pagkakunsensiya" mula sa partikular na kasalanan nina Adan at Eba. Ang umiiral na pananaw, na pinanghahawakan din sa Silanganing Ortodoksiya, ay walang dalang pagiging nakukunsensiya ng mga tao dahil sa kasalanan nina Adan at Eba.

Silangang Ortodokso

baguhin

Bagaman mas nais ng Ortodoksiya na gamitin ang katagang "kasalanang ansestral",[4], nagsasabi na ang kasalanang orihinal ay namamana. Hindi lamang ito nanatili kina Adan at Eba. Sa pagdaan at paglipat ng buhay mula sa kanila hanggang sa lahat ng kanilang mga inanak at mga apo, gayon din ang kasalanang orihinal.[5] Sa ganitong sipi, ang "kasalanang orihinal" ay ginagamit hindi para sa kasalanang pansarili ni Adan, na kanyang lamang at hindi naililipat. Sa halip, ito ay tumutukoy sa namamanang "pagkasira ng kalikasan ng tao".

Ang isang mahalagang paglalahad ng paniniwala ng mga Kristiyanong Silanganin ay kumikilala sa kasalanang orihinal bilang kamatayang pisikal at espirituwal, kung saan ang kamatayang espirituwal ay ang pagkawala ng awa o grasya ng Diyos, na umantig o nagpasigla sa kaluluwa na may mas mataas at mas pang-espiritung buhay.[6] May ibang mga tao namang tumatanaw sa kasalanang orihinal bilang sanhi ng mga talagang kasalanan: "masama ang bunga ng masamang puno" (Mateo 7:17, MBB), bagama't sa ganitong pananaw ang kasalanang orihinal at talagang kasalanan ay maaaring mahirap maipagkaiba.[7]

Tumututol

baguhin

Hindi tinatanggap sa Hudaismo ang konsepto ng orihinal na kasalanan na namana kay Adan. Ang ilang mga talata ng Tanakh ay ginagamit upang suportahan ang pananaw na walang "orihinal na kasalanan" na namana kay Adan:

  • Deuteronomio 24:16: "Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng anak ni ang anak dahil sa krimeng nagawa ng magulang; ang mismong may sala lamang ang siyang dapat patayin.
  • 2 Hari 14:6: Ngunit hindi niya idinamay ang mga anak ng mga ito. Sinunod niya ang nakasulat sa Kautusan ni Moises: "Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng mga anak ni ang mga anak dahil sa krimeng nagawa ng mga magulang. Ang nagkasala lamang ang siyang dapat patayin."
  • Ezekiel 18:20:Ang nagkasala ang dapat mamatay. Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng anak. Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan."
  • Ezekiel 33:11-12:Sabihin mong ipinapasabi ko na akong si Yahweh, ang buhay na Diyos, ay hindi nasisiyahan na ang sinuma'y mamatay sa kanyang kasamaan; nais kong siya'y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan. Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo rin sa iyong mga kababayan na ang dating kabutihan ng matuwid ay hindi makakapagligtas sa kanila kung magpakasama sila. Kung ang masama ay magpakabuti, hindi siya paparusahan. Ngunit kung ang mabuti ay magpakasama, paparusahan siya.
  • Ezekiel 33:20:Gayunma'y sinasabi ninyong hindi matuwid ang aking ginagawa. Mga Israelita, hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga gawa."
  • Jeremias 31:29-30:Pagdating ng panahong iyon, hindi na nila sasabihin, 'Mga magulang ang kumain ng ubas na maasim, ngunit mga anak ang nangingilo ang mga ngipin.'Sa halip, kung sino ang kumain ng maasim na ubas ang siyang mangingilo; mamamatay ang isang tao dahil sa kanyang kasalanan."

Hindi rin sila naniniwalang mababayaran ng isang tao(gaya ng konseptong pagbabayad ng kasalanan ni Hesus sa Bagong Tipan) ang kasalanan ng isa pang tao. Ang tao ay nagiging matuwid dahil sa sarili niyang mga gawa at hindi paggawa ng iba halimbawa:

  • Genesis 7:1:Sinabi ni Yahweh kay Noe, "Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid.
  • Job 1:1:May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na nagngangalang Job. Siya'y isang matuwid na tao, sumasamba sa Diyos at umiiwas sa masamang gawain.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diksiyunaryong Oxford ng Simbahang Kristiyano (Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford, 2005, ISBN 978-0-19-280290-3), artikulong Original Sin
  2. Brodd, Jefferey (2003). World Religions. Winona, MN: Saint Mary's Press. ISBN 978-0-88489-725-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Catechism of the Catholic Church, 405
  4. John S. Romanides, "The Ancestral Sin" (Zephyr Pub 2002 ISBN 978-0-9707303-1-2
  5. "Metropolis Basic Teachings of the Orthodox Faith ni Arsobispo Sotirios ng Toronto, Canada (Metropolitanong Arsobispo ng Griyegong Ortodoksiya): Original Sin and Its Consequences". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-26. Nakuha noong 2010-12-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-07-26 sa Wayback Machine.
  6. Catechism of St. Philaret, mga katanungan bilang 166, 167, at 168
  7. Johann Gerhard, Loci theologici, 5.17, binanggit at sinipi ni Henri Blocher, Original Sin: Illuminating the Riddle, (Grand Rapids: William B. Eerdmans Publishing Company, 1997), 19.