Padron:Napiling Larawan/Akrobatika
Ang akrobatika ay isang uri ng sining ng pagtatanghal at ginagawa rin sa larangan ng palakasan. Kabilang sa akrobatika ang mga mahihirap na gawaing kinapapalooban ng kaalaman at kakayahan sa paninimbang, kabilisang may pag-iingat, at koordinasyon ng isipan at mga bahagi ng katawan ng isang sirkero at sirkera. Kabilang dito ang ilang mga gawain sa larangan ng himnastika. May kasanayan ang mga sirkero, tinatawag ding akrobat o akrobata, sa mga pagbabalintuwad, pagpapatembwang, pagbibitin-bitin, pagpapailanlang sa hangin, paglalakad sa alambre, mga pagtalon, at iba pang mga uri ng pagsisirko. Kalimitang matatagpuan ang pagtatanghal ng mga akrobata sa isang sirko. May-akda ng larawan: Ludovic Péron