Sirko (pagtatanghal)

Ang sirko[1][2] o "sirkus" (Kastila, Portuges: circo, Latin, Ingles: circus, Aleman: Zirkus, Pranses: cirque) ay pangkarinawang isang grupo ng mga naglalakbay na mga tagapagtanghal na kinabibilangan ng mga sirkero, mga payaso, naturuang mga hayop, mga taong naglalakad sa lubid o alambre, mga namimisikletang nakaupo sa mga bisikletang may iisang gulong lamang, mga salamangkero, at mga katulad. Kalimitang ginagawa ang pagtatanghal ng mga ito sa isang biluging tanghalan na napapalibutan ng mga upuang tinakda para sa mga tagapanood. Kung naglalakbay, isinasagawa ang pagtatanghal sa loob ng isang malaking lona o kubol.

Isang pagtatanghal sa sirko.

Sanggunian

baguhin
  1. Sirko, circus Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. English, Leo James (1977). "Sirko, circus". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.