Akrobatika

(Idinirekta mula sa Sirkero)

Ang akrobatika[kailangan ng sanggunian] o akrobatiks[1] (Ingles: acrobatics; Griyego: akros) ay isang uri ng sining ng pagtatanghal at ginagawa rin sa larangan ng palakasan. Kabilang sa akrobatika ang mga mahihirap na gawaing kinapapalooban ng kaalaman at kakayahan sa paninimbang, kabilisang may pag-iingat, at koordinasyon ng isipan at mga bahagi ng katawan ng isang sirkero[2] at sirkera. Kabilang dito ang ilang mga gawain sa larangan ng himnastika. May kasanayan ang mga sirkero, tinatawag ding akrobat o akrobata, sa mga pagbabalintuwad, pagpapatembwang, pagbibitin-bitin, pagpapailanlang sa hangin, paglalakad sa alambre, mga pagtalon, at iba pang mga uri ng pagsisirko. Kalimitang matatagpuan ang pagtatanghal ng mga akrobata sa isang sirko.

Isang nagpapabitin-biting akrobata.
Isang kalahok na manlalarong may kasanayan sa akrobatika na nagpapakitang-gila sa isang palarong panghimanstika, habang pinapanood ng madla sa loob ng isang himnasyo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Akrobatiks, akrobatika, sirko, sirkero, sirkera, akrobat, akrobata". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sirkero Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.