Padron:Napiling Larawan/John F Kennedy
Si John F. Kennedy (Mayo 29, 1917 - Nobyembre 22, 1963), mas nakikilala bilang JFK, ay ang ika-35 pangulo ng Estados Unidos na nanungkulan mula 1961 hanggang 1963. Matapos maging komander ng mga bangkang demotor na pangtorpedo na PT-109 at PT-59 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig nahalal siya bilang isang kongresman ng Massachusetts (1947-1953). Naging senador siya mula 1953 hanggang 1960. Tinalo niya sa halalan ng Pagkapangulo si Richard Nixon (na noon ay nakaupo bilang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos). Siya ang pinakabatang nahalal para sa naturang posisyon. Namatay siya sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo noong Nobyembre 22, 1963. May-akda ng ipinintang larawan: Aaron Shikler.