Padron:NoongUnangPanahon/04-2
Abril 2: Pista ni Pedro Calungsod
- 1800 — Pinangunahan ni Ludwig van Beethoven (nakalarawan) ang kanyang Unang Simponya sa Vienna.
- 1851 — Kinoronahan si Rama IV, nanungkulan simula 1851 hanggang 1868, bilang Hari ng Kaharian ng Rattanakosin.
- 1917 — Unang Digmaang Pandaigdig: Sinabihan ni Pangulong Woodrow Wilson ang Kongreso ng E.U. para magdeklara ng digmaan laban sa Imperyo ng Alemanya.
- 1930 — Matapos ang misteryosong pagkamatay ni Emperatris Zewditu, naging emperador ng Ethiopia si Haile Selassie.
- 1989 — Nakarating ang pinuno ng Unyong Sobyet na si Mikhail Gorbachev sa Havana, Cuba para ayusin ang lumalalang tensiyon sa pagitan nila ni Fidel Castro.