Padron:NoongUnangPanahon/12-28
Disyembre 28: Memoryal na Araw ni Haring Taksin sa Thailand
- 893 — Sinira ng isang malakas na lindol ang lungsod ng Dvin sa Armenia na nagresulta sa 30,000 nasaktan/namatay.
- 1308 — Nagsimula ang pamumuno ni Emperador Hanazono, ang ika-95 na emperador ng Hapon.
- 1612 — Naging unang astronomo si Galileo Galilei (nakalarawan) na maobserbahan ang planetang Neptune, kahit na nagkamali siya at tinuring na isang bituin.
- 1836 — Kinilala ng Espanya ang kalayaan ng Mehiko.
- 1972 — Naging unang pangulo ng Hilagang Korea si Kim Il-sung, na siya ring Punong Ministro at Pangkalahatang Sekretarya ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.
Mga huling araw: Disyembre 27 — Disyembre 26 — Disyembre 25