Padron:Portal:Anime at Manga/Itinatampok na Artikulo/13
Ang Angel Beats! (エンジェルビーツ! Enjeru Bītsu!) ay isang 13-episodyong Hapones na seryeng telebisyon na anime na inilabas ng P.A. Works at Aniplex at ginabayan ni Seiji Kishi. Orihinal na inisip ang istorya ni Jun Maeda, na kung saan ay siya ang sumulat ng iskript ng pelikula at lumikha ng musika kasama ang pangkat ng Anant-Garde Eyes, kasama ang orihinal na disenyo ng Na-Ga; ang parehong Maeda at Na-Ga ay galing produktong nobelang biswal na Key, na naglabas ng mga pamagat na Kanon, Air, at Clannad. Ipinalabas ang anime sa Haponsa pagitan ng Abril 3 hanggang Hunyo 26, 201o. Naganap ang istorya sa kabilang buhay at nakatuon kay Otonashi, isang lalaki na nawala ang memorya ng kanyang buhay pagkatapos mamatay. Nagpatala siya sa paaralan sa kabilang buhay at natagpuan ang isang babaeng nagngangalang Yuri na siyang nag-anyaya na sumali sa SSS-isang organisasyon na pinamumunuan niya na kung saan ay kakalabanin nila ang panginoon. Nakikipagaway ang SSS laban sa pangulo ng konseho ng mga magaaral na si Angel, isang babae na may mahiwagang kapangyarihan.
Nagtrabaho ang Key kasama ang kolaborasyon ng gawa ng ASCII Media Works na Dengeki G's Magazine para makapagpalabas ng isang proyekto sa isang prangkisang medya. Ininuran ang dalawang seryeng manga sa Dengeki G's Magazine: inilustra ang isa ni Haruka Komowata, na sinimulang inuran sa isang babasahin noong Disyembre 2009 , at ang isa ay iginuhit ni Yuriko Asami, na sinimulan sa isang babasahin noong Mayo 2010. Ininuran din ang isang maikling serye na ilustradong kwento ni Maeda at inilustra ng GotoP sa Dengeki G's Magazine sa pagitan ng Nobyembre 2009 at Mayo 2010. Inilabas din ang dalawang Radyong internet para ipakilala ang Angel Beats!. Isinusulat ni Jun Maeda ang mga balangkas ng drama para sa isang posibleng darating na adapsiyong nobelang biswaling Angel Beats! ng Key.