Padron:Portal:Anime at Manga/Selected article/7
Ang Anime (アニメ, isang pabalbal na pananalita sa Wikang Hapon ng "animasyon", ay isang daglatin ng salitang animasyon) (gumagalaw na kartun o guhit larawan) sa Hapon, na kadalasang tinatawag na Japanimation o Haponimasyon sa Kanluraning mundo. Ito ay ginagamit eksklusibo lamang sa mga animasyong galing sa bansang Hapon. Sa madaling salita, hindi lahat ng animasyon ay anime, at ang anime ay isang uri lamang ng animasyon.
Kadalasang gumagamit ito ng mga istilong makukulay na mga larawan na nagsasalarawan ng mga maliliwanag na mga karakter sa mga iba't ibang tagpo at linya ng istorya, na sinsadyang makuha ang malawak na tagapanood.Ang mga ganitong guhit ay madalas ginagawang makatotohanan para magkaroon ng katuturan ang anime na ilalabas.
Ang istilo ng pag-gawa ay maaaring guhit-kamay o may tulong mula sa mga computer. Ang anime ay maaaring ipalabas sa telebisyon, ibenta sa pamamagitan ng VHS, VCD o DVD. May mga pelikula na anime din na nagawa. Malaki ang impluwensiya ng mga maiikling nobela at komiks na Hapon o manga sa anime. May mga istorya din na isinalin sa mga "live action" na pelikula at mga serye sa telebisyon.