Padron:UnangPahinaArtikulo/Jerónima de la Asunción
Si Madre Jerónima de la Asunción o Jeronima de la Fuente (Mayo 9, 1555 - Oktubre 22, 1630) ang nagtayo ng pinakaunang monasteryong pangKatoliko sa Maynila at sa Timog-silangang Asya. Ang monasteryo ni De la Asuncion ay nakilala bilang Monasteryo ni Santa Clara noong kapanahunan ng mga Kastila sa Intramuros, Pilipinas. Bilang tagapagtayo ng unang monasteryo at sa kaniyang pagiging isang misyonaryong babae sa Pilipinas, sinimulan ng Vatican ang kaniyang beatipikasyon noong 1734. Nabanggit ni Jose Rizal, ang pangunahing bayani ng Pilipinas, ang nasabing monasteryo ni De la Asuncion sa Intramuros sa nobelang Noli Me Tangere