Padron:UnangPahinaArtikulo/One Direction
Ang One Direction (daglat: 1D) ay isang pop na bandang Britaniko (British pop boy band) na binubuo nina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Sila ay nakapirma sa Syco Records ni Simon Cowell matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards) at apat na MTV Gantimpala sa Awit-Bidyo (MTV Video Music Awards). Kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo (business empire) noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" (Top New Artist) ng 2012 ng Billboard. Matapos ilabas ang Four, ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng Billboard 200 ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno. Ang kanilang ikatlong album na Midnight Memories ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013.