Padron:UnangPahinaArtikulo/Sima Qian
Si Sima Qian (ca. 145-86 BC) ay isang Prefect ng mga Dakilang Eskriba (太史令) ng Dinastiyang Han. Itinuturing siyang ama ng historyograpiyang Tsino dahil sa kanyang pinupuring aklat, ang Mga Tala ng Dakilang Historyador (史記). Ito ay isang pangkalahatang tanaw sa kasaysayan ng Tsina na sumasaklaw sa mahigit na dalawang libong taon mula sa Dilaw na Emperador hanggang kay Emperador Han Wudi (漢武帝). Ang dalubhasa niyang gawa ang naglatag ng pundasyon ng mga susunod pang historyograpiyang Tsino.