Ang Pagbilí ng Estados Unidos sa Alaska mula sa Imperyong Ruso ay naganáp noong 1867 sa bisà ng isang tratadong niratipika ng Senado ng Estados Unidos.

Ang paglagda sa Alaska Treaty of Cessation noong Marso 30, 1867. mula kaliwa: Robert S. Chew, William H. Seward, William Hunter, G. Bodisco, Eduard de Stoeckl, Charles Sumner at Frederick W. Seward.
Ang tsekeng nagkakahalagáng US$7.2 milyon na ginamit na pambayad para sa Alaska (katumbas ng US$121 milyon noong 2015)[1]

Ninaís ipagbilí ng Rusya ang Alaska sa pangambáng, maaagaw itó sa kanilá sakaling sumiklab ang digmaan sa pagitan nitó at ng Britanya. Ang kalakalan ng balahíbo ng hayop at mga gawaíng pangmisyonero sa mga katutubong Alaskan ang mga pangunahing aktibidad ng Rusya sa naturang teritoryo. Nagdagdag naman ito ng may 1,518,800 km² na bagong teritoryo sa Estados Unidos.

Higit na positibo ang naging reaksiyon sa Estados Unidos hinggil sa pagbilí nitó sa Alaska. Ang ilán sa mga tutol dito'y binanságan naman itóng "Seward's Folly" (isinunod sa pangalan ng Kalihim ng Estado na si William H. Seward), habang pinuri ng iba ang nagíng hakbang na ito na anila'y kapuwa nagpahinà sa Britanya at Rusya bilang katunggalî ng Estados Unidos sa pagpapalawak ng komersiyo nitó sa Pasipiko.[2][3] Nagíng bantâ sa Britanya ang nagíng pagbilí ng Estados Unidos sa Alaska sa kontrol ng kolonya nito sa Pasipiko. Lalo nitóng binagyang saysay ang pagkumpederasyon ng Canada na naisakatupáran makaraan ang tatlong buwan, noong Hulyo 1867. Tinanggap naman sa kumpederasyon ng Dominyon ng Canada ang British Columbia noong 1871, na nagwakás sa inaasam ng Estados Unidos na makuha rin ang naturang teritoryo upang magkaroon ng walang-patid na lupaín na magdurugtong ng Alaska sa Estados Unidos.[4]

Sa simulâ, inorganisá ang bagong teritoryo bílang Departamento ng Alaska, na nagíng Distrito ng Alaska at kalaunan ay Teritoryo ng Alaska bago itó naging Estado ng Alaska nang tanggapin itó sa Unyon bilang isang estado noong 1959.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wolfram Alpha
  2. Welch, Richard E. (1958). "American Public Opinion and the Purchase of Russian America". American Slavic and East European Review (sa wikang Ingles): 481–494.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kushner, Howard I. (1975). "'Seward's Folly'?: American Commerce in Russian America and the Alaska Purchase". California Historical Quarterly (sa wikang Ingles): 4–26.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "British Columbia and Confederation" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2014-12-19. {{cite web}}: Unknown parameter |book= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Purchase of Alaska, 1867". Office of the Historian, U.S. Department of State (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2014-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)