Kalihim ng Estado ng Estados Unidos
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang namumuno ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, na siyang bahala sa ugnayang panlabas. Ang kalihim ay kasapi ng Gabinete ng Pangulo at ang may pinakamataas na ranggo sa kalihim ng gabinete sa parehong line of succession at order of precedence. Ang kasalukuyang Kalihim ng Estado na pinili ni Pangulong Barack Obama ay si Hillary Rodham Clinton. Ang tanggapan ng Kalihim ng Estado ang isa sa pinakakilalang posisyon sa Pamahalaan ng E.U. Tatlo sa apat na huling Kalihim ng Estado ay babae.
Kalihim ng Estado ng Estados Unidos | |
Official seal Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos | |
Incumbent: Antony Blinken since: Enero 26, 2021 | |
First | Thomas Jefferson[1] |
---|---|
Formation | Abril 6, 1789 |
Presidential succession |
Fourth |
Website | www.state.gov |
Kasaysayan
baguhinNoong 10 Enero 1791, nilikha ng Ikalawang Continental Congress ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas.[2] Noong 27 Hulyo 1789, nilagdaan ni George Washington ang congressional para maging batas na nagbibigay ng pahintulutan muli ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na pinamumunuan ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Pagkatapos noon ipinasa rin ng Kongresso ang batas na nagbibigay ng mga karagdagang pananagutang lokal at pinalitan ang pangalan ng bagong kagawaran bilang Kagawaran ng Estado at ang pinuno nito bilang Kalihim ng Estado, at inaprubahan ni Washington ang batas na ito noong 15 Setyembre 1789. Ang mga bagong pananagutang lokal ng pinangalanang muling kagawaran ay ang pagtanggap, paglalathala, pamamahagi, at pangangala ng mga batas ng Estados Unidos, kusodiya ng Great Seal of the United States, magpatunay ng mga kopya at ang paghahanda ng pagtatalaga ng mga tao sa ehekutibo, at ang huli, ang finally pag-iingat ng mga aklat, mga papel, at mga tala ng Continental Congress kasama na ang Saligang batas ng Estados Unidos at ang proklamasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos.
Sa mga unang taon ng republika, kung sino ang makakuha ng pangalawang may pinakamataas na boto ang magiging Pangalawang Pangulo, at ito ay maaring galing partido na hindi partido ng Pangulo. Ang Kalihim ng Estado bilang kasapi ng parehong partido ng Pangulo ay itinuturing na malaking hakbang para sa pagkapangulo. Kasama sa mga Kalihim ng Estado na nanungkulan din sa White House sina Thomas Jefferson, James Madison, James Monroe, John Quincy Adams, Martin Van Buren at James Buchanan. Nasa ibaba ang mga kalihim na hindi nanalo sa pagkapangulo (maaaring bago o pagkatapos nang kanilang panunungkulan bilang kalihim ng Estado):
- Henry Clay
- Daniel Webster
- John C. Calhoun
- Lewis Cass
- William H. Seward
- James G. Blaine
- Walter Q. Gresham
- John Sherman
- Elihu Root
- William Jennings Bryan
- Charles Evans Hughes
- Cordell Hull isang "paboritong anak" na kandidato noong 1928
- Edmund Muskie
- Alexander Haig
- Hillary Rodham Clinton
Tandaan na sina Seward, Bryan, Hughes, Hull, Muskie at Clinton ay tumakbo sa pagkapangulo bago mahirang sa pagiging Kalihim ng Estado.
Tungkulin
baguhinKaramihan sa mga hindi orihinal na tungkuling lokal ng Kagawaran ng Estado ay inilipat na sa ibang ahensiya. Kasama sa mga natitira na lamang ang pagtatabi at paggamit ng Dakilang Selyo ng Estados Unidos, pagtupad sa mga tungkuling protokolo para sa Puting Tahanan (White House), pagbalangkas ng mga proklamasyon, at pagsagot sa mga katanungan. Alinsunod sa Saligang Batas ng Estados Unidos, gagampanan ng Kalihim ang mga tungkulin ayun sa utos ng Pangulo. Kasama na rito ang pakikipag-usap sa mga kinatawan ng ibang bansa at ang pagmamando sa mga embahada at embahador ng E.U. sa ibang bansa. Ang Kalihim rin ang gumaganap na pangunahing tagapayo ng Pangulo sa pagpili panlabas na polisiya ng E.U., at nitong mga nakaraang dekada, ay naging responsable sa pangkalahatang pamamahala, koordinasyon, at pangangasiwa ng mga gawaing interdepartamental ng pamahalaaan ng Estados Unidos sa ibayong dagat, maliban sa ilang mga gawaing pang-militar.
Bilang pinakamtaas na opisyal ng gabinete, ang Kalihim ng Estado ang ikaapat sa hanay na papalit sa pagka-Pangulo, kasunod ng Pangalawang Pangulo, Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at Pangulong pro tempore ng Senado. (Tingnan ang United States presidential line of succession.)
Isinasaad sa Batas Pederal (3 U.S.C. § 20) na ang pagbibitiw sa tungkulin ng pangulo ay kailangang gawin sa pamamagitan ng pagsulat ng tanggapan ng Pangulo sa tanggapan ng Kalihim ng Estado. Minsan na itong itong nangyari nang nagbitiw si Pangulong Richard Nixon noong 9 Agosto 1974 sa pamamagitan ng sulat sa Kalihim ng Estado Henry Kissinger.
Kapag mayroong pagkakabakante sa tanggapan ng Kalihim ng Estado, ito ay pinamumunuan ng kahit sinong kasapi ng gabinete, katulad ng nangyayari sa mga nakaraang panahon, pinamumunuan ito ng opisyal na subaltern ng Kagawara ng Estado hanggang sa magtalaga na ang Pangulo at maaprubahan nang Senado ng Estados Unidos ang isang Kalihim ng Estado.
Tala ng mga Kalihim ng Estado ng Estados Unidos
baguhinTingnan rin
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ "Secretaries of State, 1789-2005". Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos. Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-06-16. Nakuha noong 2009-01-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Intelligence & the War on Independence: Organization of Intelligence". Central Intelligence Agency. 2008-05-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-14. Nakuha noong 2008-06-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhin- The Department of State's organization page.
- The Department of State's list of current or former positions and titles.
- The Department of State's list of Secretaries of State
United States presidential line of succession | ||
---|---|---|
Sinundan: Pangulong pro tempore ng Senado |
4th in line | Susunod: Kalihim ng Pananalapi |