Pagbu-boot
Sa larangan ng kompyuting, ang mga katagang booting o booting up (binibigkas na /bu-ting. at /bu-ting ap/, literal na "pagpapaandar" o "pagpapasimula ng pag-andar") o pagbu- boot ay ang unang pangkat ng mga operasyon na isinasagawa ng isang sistema ng kompyuter kapag ang binuhay ang lakas ng kuryente. Ang proseso ay nagsisimula kapag ang isang kompyuter na nakapatay ay muling nabigyan ng enerhiya, at nagwawakas kapag ang kompyuter ay handang magsagawa ng normal nitong mga operasyon. Sa modernong mga kompyuter na pampangkalahatang layunin, ang "paggising" o booting ng kompyuter ay maaaring magtagal ng mga sampu ng mga segundo at karaniwang kinasasangkutan ng pagsasagawa ng pagsubok sa sariling pagbuhay, paghanap at pagsisimula ng mga aparatong periperal o nakapaligid, na masusundan ng paghahanda, pagkakarga at pagpapasimula ng sistemang pang-operasyon. Maraming mga sistemang pangkompyuter ay nagpapahintulot din sa ganitong mga operasyon na mapasimulan sa pamamagitan ng isang kautusan ng isang sopwer na walang kapangyarihan ng siklo o cycling power, na nakikilala bilang soft reboot (mahinang pagpapasimula ng pag-andar), bagaman ang ilan sa paunang mga operasyon ay maaaring malaktawan sa "malambot na reboot. Ang boot loader (bigkas: /but-low-der/), na may literal na kahulugang "tagapagsakay ng arangka" o "tagapagsimula" ay isang programang pangkompyuter na nagkakarga ng pangunahing sistema ng operasyon (pagpapatakbo) o kapaligiran ng panahon ng pagtakbo (pag-andar) para sa kompyuter pagkaraang makumpleto ang mga pagsubok sa sarili.
Ang katagang pangkompyuter na boot ay isang pagpapaikli ng salitang patalinghaga o metaporikal na bootstrap (literal na "tali ng bota") o bootstrap load ("karga sa tali ng bota") na hinango magmula sa pariralang Ingles na to pull oneself up by one's bootstraps na may kaugnayan sa isang prosesong nagbibigay-lakas sa sarili na nagpapatuloy na hindi nangangailangan ng tulong ng iba.[1] May kaugnayan ito sa matataas na mga botang sapatos na maaaring mayroong isang ungos, silo o tatangnan (hawakan) sa tuktok na nakikilala bilang bootstrap sa Ingles o tali ng bota, na nagpapahintulot sa isang tao na magamit ang mga daliri ng kamay o isang kasangkapan upang makapagbigay ng mas malakas na puwersa sa paghila ng bota habang isinusuot.
Ang paggamit na ito ay nagbibigay ng pansin o pagtuon sa kabalintunaan (kabalighuan) na ang kompyuter ay hindi maaaring tumakbo o umandar nang hindi muna magkakarga ng sopwer subalit ilan sa mga sopwer ang dapat na umandar muna bago maikarga ang anupamang iba pang mga sopwer.[2] Ang mga unang labas ng kompyuter ay gumamit ng isang kasamu't sarian ng mga pamamaraang ad-hoc o tangi (ayon sa nangyayari) upang makakuha ng isang pragmento ng sopwer papasok sa loob ng memorya upang malutas ang suliraning ito. Ang pagkaimbento ng integrated circuit Read-only memory (ROM) ng sari-saring mga tipo ang lumutas sa kabalighuan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga kompyuter na mailulan at maipadala na mayroong isang programang pangpagsisimula o start up program na hindi mabubura, subalit ang paglaki ng sukat ng ROM ay nakapagpahintulot ng pagsasakatuparan ng mas masasalimuot na mga alituntunin.
Maraming mga halimbawa ng isahan at maramihang mga hakbang ng mga pagkakasunud-sunod na nag-uumpisa sa pagsasakatuparan ng (mga) programa ng boot na nakatinggal o nakatabi sa loob ng mga ROM ng boot. Habang nagaganap ang proseso ng pagbu-boot, ang kodigong binaryo ng isang sistemang pang-operasyon or kapaligiran ng panahon ng pagtakbo ay maaaring ikarga magmula sa nonvolatile secondary storage o "hindi sumpungin o hindi salawahang pangalawang tinggalan o imbakan" (katulad ng isang hard disk drive) papasok sa volatile (sumpungin), o random-access memory (RAM) at pagkaraan ay isinasakatuparan. Mayroong ilang payak na nakabaong mga sistema ang hindi nangangailangan ng isang napupunang sunuran ng boot upang magsimulang umandar at maaaring payak na magpatakbo ng mga programang pang-operasyon na nakatinggal sa read-only memory (ROM) kapag buhay o naka-on.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.