Pagdurugo ng ilong

Ang pagdurugo ng ilong o balinguyngoy[1] na kilala din bilang nosebleed sa Ingles at epistaxis, ay instansiya ng pagdurugo mula sa ilong.[2] Maaring dumaloy ang dugo sa tiyan, at magdulot ng pagduduwal at pagsusuka.[3] Sa mas malalang mga kaso, maaring lumabas sa parehong butas ng ilong ang dugo.[4] Sa bihirang pagkakataon, maaring maraming ang dumadaloy na dugo na nagdudulot ng mababang presyon ng dugo.[2] Maari din na umakyat ang dugo tungo sa maliit na tubong nasolagrimal palabas ng mata.[5]

Kabilang sa mga kadahilanan ng panganib ang trauma, kabilang ang paglalagay ng daliri sa ilong, pampanipis ng dugo, altapresyon, alkoholismo, alerhiya dahil sa panahon, tuyong panahon, at mga nalanghap na mga corticosteroid.[6] May dalawang uri: anteryor, na mas karaniwan; at posteryor, na di gaanong karaniwan subalit mas seryoso.[6] Nangyayari sa pangkalahatan ang anteryor na pagdurugo ng ilong mula sa plekso ni Kiesselbach habang nangyayari sa pangkalahatan ang pagdurugong posteryor mula sa arteryang sphenopalatine.[6] Ang diyagnosis ay sa pamamagitan ng direktang pagmamasid.[2]

Para maiwasan ang pagdurugo ang ilong maaring gumamit ng petroleum jelly sa ilong.[7] Sa simula, ang paggamot ay ang pangkalahatang paglapat ng presyon na hindi bababa sa limang minuto sa mababang kalahati ng ilong.[8] Kung hindi ito sapat, maaring gamitin ang nasal packing.[8] Maari din makatulong ang asido traneksamiko.[9] Kung patuloy pa rin ang mga episodyo ng pagdurugo, nirerekomenda ang endoskopya.[8]

Ibang paggamit ng katawagan

baguhin

Ang "pagdurugo ng ilong" o "nosebleed" ay kadalasang ginagamit bilang idiyoma para ipahawatig na nahihirapan ang isang indibiduwal na magsalita ng isang wika (kadalasan ang wikang Ingles) dahil hindi ito ang kanyang katutubong wika.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "balinguyngoy". Pambansang Diksiyonaryo | Diksiyonaryo.ph. Komisyon sa Wikang Filipino. 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Ferri, Fred F. (2013). Ferri's Clinical Advisor 2014 E-Book: 5 Books in 1 (sa wikang Ingles). Elsevier Health Sciences. p. 399. ISBN 978-0-323-08431-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wilson, I. Dodd (1990). Walker, H. Kenneth; Hall, W. Dallas; Hurst, J. Willis (mga pat.). Clinical Methods: The History, Physical, and Laboratory Examinations (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon). Boston: Butterworths. ISBN 978-0409900774. PMID 21250251.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Krulewitz, NA; Fix, ML (Pebrero 2019). "Epistaxis". Emergency Medicine Clinics of North America (sa wikang Ingles). 37 (1): 29–39. doi:10.1016/j.emc.2018.09.005. PMID 30454778. S2CID 242676103.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Riordan-Eva, Paul (2000). Vaughan and Asbury's General Ophthalmology (sa wikang Ingles). McGraw Hill Professional. p. 92. ISBN 978-0-07-137831-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Tabassom, A; Cho, JJ (Enero 2020). "Epistaxis (Nose Bleed)". StatPearls (sa wikang Ingles). PMID 28613768.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Morgan, Daniel J.; Kellerman, Rick (Marso 2014). "Epistaxis". Primary Care: Clinics in Office Practice (sa wikang Ingles). 41 (1): 63–73. doi:10.1016/j.pop.2013.10.007. ISSN 0095-4543. PMID 24439881.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 Tunkel, David E.; Anne, Samantha; Payne, Spencer C.; Ishman, Stacey L.; Rosenfeld, Richard M.; Abramson, Peter J.; Alikhaani, Jacqueline D.; Benoit, Margo McKenna; Bercovitz, Rachel S.; Brown, Michael D.; Chernobilsky, Boris; Feldstein, David A.; Hackell, Jesse M.; Holbrook, Eric H.; Holdsworth, Sarah M.; Lin, Kenneth W.; Lind, Meredith Merz; Poetker, David M.; Riley, Charles A.; Schneider, John S.; Seidman, Michael D.; Vadlamudi, Venu; Valdez, Tulio A.; Nnacheta, Lorraine C.; Monjur, Taskin M. (7 Enero 2020). "Clinical Practice Guideline: Nosebleed (Epistaxis) Executive Summary". Otolaryngology–Head and Neck Surgery (sa wikang Ingles). 162 (1): 8–25. doi:10.1177/0194599819889955. PMID 31910122.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Joseph, Jonathan; Martinez-Devesa, Pablo; Bellorini, Jenny; Burton, Martin J (2018-12-31). Cochrane ENT Group (pat.). "Tranexamic acid for patients with nasal haemorrhage (epistaxis)". Cochrane Database of Systematic Reviews (sa wikang Ingles). 2018 (12): CD004328. doi:10.1002/14651858.CD004328.pub3. PMC 6517002. PMID 30596479.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "A letter to Charice". Philstar.com. Nakuha noong 2023-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)