Pagguho sa Uganda noong 2010

Ang Pagguho sa Uganda noong 2010 ay naganap sa distrito ng Bududa sa silangang Uganda noong 1 Marso 2010.[1][2] Nagsimula ang pagguho dahil sa malakas na ulan sa pagitan ng 12 pm at 7 pm.[3] Hindi bababa sa isangdaang katao ang pinaniniwalaang patay dahil sa pagguho kung saan marami pa ang nawawala.[1]

Ang lokasyon ng Mbale sa Uganda

Mga namatay

baguhin

Sinabi ng tagapagsalita ng Red Cross ng Uganda na nakakuha ang mga tagapagsalba ng 50 katawan, samantalang sinabi naman ng ministro ng pamahalaan nang Uganda na mahigit isang daan na ang nasawi.[1][4][5] Iminungkahi ng tagapangulo ng distrito ng silangang Bududa na mahigit 300 na ang namatay.[6] Daan-daan pa ang pinaniniwalaang nawawala, kasama na ang 60 kabataan na nagtago sa isang malapi na pagamutan na kalauna'y nawasak rin.[1]

Epekto

baguhin

Naapektuhan ng pagguho ang mga nayon sa tahibis ng Bundok Elgon kasama na ang Nameti, Kubewo at Nankobe,[6] kung saan 85 kabahayan ang nasira sa Nameti.[5] Maraming lugar na agad naapektuhan ang nabaon dahil sa pagguho kung saan nasira ang mga bahay, pamilihan, at mga simbahan, samantalang karamihan sa mga lansangan at kalsada ang hindi na madaanan.[1][7] Sinabi ng ilang opisyal at mga tumulong na maaaring magkaroon pa ng mga susunod na pagguho dahil sa pagpapatuloy ng malakas na ulan sa rehiyon[8].

Sa Butaleja, mahigit 600 na bahay mula sa sub-counties ng Kachonga, Masimasa, Kimuntu at Nawangofu ang naapektuhan ng pag-ulan, kung saan dalawang mababang paaralan sa Nabehere at Lubembe ang binaha. Binaha rin ang daang Mbale-Busolwa na nagbunsod sa pagsasara nito. Inaasahan ng Red na mas marami pang baha ang magaganap sa mga distrito ng Moroto, Katakwi at Nakapiripirit sa bansa.[3]

Mga sanhi

baguhin

Nangyari ang pagguho matapos ang malakas na mga pag-ulan sa rehiyon, na kilala sa produksiyon nito ng kape.[2] Ang kondisyon nang klima sa rehiyon ay kalimitan nang tuyo at mainit sa pagitan ng mga panahon ng tag-ulan, subalit, ngayong taon, ilang bahagi ng Uganda at kalapit na Kenya ang nakaranas nang mas madaming pag-ulan kesa sa normal.[4] Sinabi nang mga siyentista na na napektuhan ng pagbabago ng klima ang panahon ng pag-ulan sa Silangang Aprika, na nagdulot ng mga hindi inaasahan at malakas na pag-uulan.[5] Hindi na bago ang pagguhlo sa rehiyon tuwing tag-ulan subalit ang laki ng pinsala ng nangyaring ito ay mas malala kesa sa malimit nagaganap.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Deadly landslide hits east Uganda". BBC News. 2010-03-02. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Hundreds Missing in Uganda Landslides". The Wall Street Journal. 2010-03-02. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "51 die, 300 missing in Bududa landslide". Monitor.uk. 2 Marso 2010. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite news}}: |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "45 dead, hundreds missing in Uganda landslide-minister". Washington Post. 2010-03-02. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link][patay na link]
  5. 5.0 5.1 5.2 "Fifty bodies found in landslide in eastern Uganda". Xinhua. 2010-03-02. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "300 feared dead in Uganda". News24. 2010-03-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-05. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-03-05 sa Wayback Machine.
  7. "Some 350 people missing in Uganda landslide". Jakarta Globe. 2010-03-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-06. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Ugandan landslide kills scores, many missing-minister". Reuters UK. 2010-03-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-30. Nakuha noong 2 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-01-30 sa Wayback Machine.