Distrito ng Bududa
Ang Distrito ng Bududa ay isang distrito sa Silangang Rehiyon ng Uganda. Tulad ng ibang distrito ng Uganda, ipinangalan ito sa 'pinuno' nito, si Bududa. Nagawa ang distrito noong 2006. Bago ito bahagi ito ng Distrito ng Manafwa.
Bududa | |
---|---|
Bansa | Uganda |
Populasyon (2006 (pagtataya)) | |
• Kabuuan | 146,000 |
Lokasyon
baguhinAng Distrito ng Bududa ay napapaligiran ng Distrito ng Manafwa sa timog, Distrito ng Mbale sa kanluran, Distrito ng Sironko sa hilaga at Republika ng Kenya sa silangan. Ang punong-himpila ng distrito sa Bududa ay matatagpuan mga 23 kilometro (14 mi), gamit ang kalsada, timog-silangan ng Mbale, ang pinakamalaking lungsod sa sub-rehiyon.
Overview
baguhinAng distrito ng Bududa ay isang bagong distritong nagawa noong 2006. Dati itong bahagi ng Distrito ng Manafwa. Binubuo ang distrito ng isang lalawigan, pitong seven (7) sub-lalawigan at isang konsehong bayan. Isa itong malaking distritong rural na may walong sentro ng pag-unlad na nasa proseso na nang pagiging bayan. Ang walong sentro ng pag-unlad sa Distrito ng Bududa ay ang:
- Bududa
- Bukalasi
- Bukhabusi
- Bumboli
- Bubungi
- Khabutola
- Lukhonge
- Mayenze
Matatagpuan ang distrito sa taas na 1,800 metro (5,900 tal) sa lebel ng dagat. Mayroon itong mga palupo, bangin at kawayanan. Mayroon itong dalawang panahon ng tag-ulan at walang tag-init. Nasasakop ng Mount Elgon National Park ang mahigit-kumulang 40 bahagdan ng ditrito.[1]
Populasyon
baguhinNoong nagawa ito bilang isang distrito mayroon itong populasyon na tinatayang nasa 146,000. Ang tumbasan nang lalaki sa babae ay 1:1. Ang pangunahing wikang ginagamit ay Lumasaba.
Ekonomiya
baguhinAgrikultura ang pangunahing ekonomiya ng distrito. Ang matabang lupa dulot ng bulkan at masaganang ulan (average 1,500mm/year), ang nagsisigurong ng magandang ani at kita. Ilan sa mga sinasaka rito ang: kape, bean, saging, matooke, repolyo, kamatis at iba pang maberdeng gulay.[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Bududa District Homepage Naka-arkibo 2010-12-11 sa Wayback Machine.