Ang Aklasan ni Bar Kokhba (132–136 CE),[2] Hebreo: מרד בר כוכבא or mered bar kokhba ang ikatlong pangunahing paghihimagsik ng mga Hudyo sa Judea laban sa Imperyo Romano at ang huli sa mga digmaang Hudyo-Romano. Ang komander ng paghihimagsik na si Simon bar Kokhba ay kinilalang ang mesiyas ng Hudaismo na isang bayaning pigura na magbabalik sa Kaharian ng Israel. Ang paghihimagsik ay nagtatag ng isang independiyenteng estado ng Israel sa mga bahagi ng Judea sa loob ng 2 taon ngunit ang hukbong Romano na binubuo ng anim na buong mga lehiyon ay sa huli sumupil dito. [3] Ang mga Romano ay nagbawal naman sa mga Hudyo mula sa Herusalem upang dumalo sa Tisha B'Av. Ang digmaang ito ay humantong sa paghihiwalay ng Kristiyanismo bilang relihiyon mula sa Hudaismo.