Paghihiwalay ng mga kapangyarihan
Ang separasyon o paghihiwalay ng mga kapangyarihan (Ingles: separation of powers) ang modelo ng pamamahala ng estado. Ang modelong ito ay unang binuo sa ng Sinaunang Gresya. Sa ilalim ng modelong ito, ang estado ay nahahati sa mga sangay na may hiwalay at independiyenteng mga kapangyarihan at sakop ng responsibilidad upang walang isa sa mga sangay na ito ang nag-aangkin ng mas maraming kapangyarihan kesa sa iba pang mga sangay. Ang normal na paghahati ng mga sangay ang ehekutibong sangay, lehislatura, at hudikatura. Sa parehong mga dahilan, ang konsepto ng separasyon ng simbahan at estado ay tinanggap sa ilang mga bansa sa iba't ibang antas batay sa nilalapat na mga istrakurang legal at nananaig na mga pananaw tungkol sa angkop ng tungkulin ng relihiyon sa lipunan.