Katamaran

(Idinirekta mula sa Pagkabatugan)

Ang katamaran o pagkabatugan ay ang pag-iwas sa gawain, hanapbuhay o trabaho. Katumbas ito ng indolensya o kagigian, na mayroon ding kabagalan, kakuyaran, at kakuparan.[1] Kabaligtaran ito ng kasipagan.

Si Tamad o Batugan, isang paglalarawan o representasyon ng katamaran o pagkabatugan.

Mga pananaw panrelihiyon

baguhin

Kristiyanismo

baguhin

Ang pagiging tamad ay pinagbabawal ayon sa Hebreo 6:12 at 2 Tesalonica 3:6–14. Ito ay nauugnay sa kasamaan sa isa sa mga talinghaga ni Hesus sa Mateo 25:26. Ayon sa Proverbs 10:4, Ecclesiastes 10:18, ang katamaran ay humahantong sa kahirapan. Ayon sa katuruan ng Simbahang Katoliko Romano, ang katamaran ay isa sa nakamamatay na kasalanan. Ito ay kadalasang inilalarawan bilang kawalang interes sa mga bagay na espiritwal at/o pisikal.

Ang terminong Arabiko sa Koran para sa katamaran, kawalang gawain at kabagalan ay Arabe: كَسَل‎, romanisado: kasal.[2] Ang kabaligtaran ng katamaran ang Jihad al-Nafs, i.e. ang pakikibaka laban sa sarili at sa sariling ego ng isa. Kabilang sa mga limang haligi ng Islam na pananalangin ng limang beses sa isang araw at pag-aayuno sa Ramaḍān ay bahagi ng mga aksiyon laban sa katamaran.

Budismo

baguhin

Sa Budismo, ang terminong kausīdya ay karaniwang isinasalin na katamaran. Ang Kausīdya ay inilalarawan bilang pagkapit sa mga hindi malusog na gawain gaya ng paghiga at pag-uunat at pagiging hindi masigasig tungkol sa o nagsasagawa ng mga mabuting gawain.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Sloth, lazy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. http://corpus.quran.com/qurandictionary.jsp?q=ksl