Pagkabilog

Antas ng pagbilog ng labi habang sinasalita ang isang patinig
(Idinirekta mula sa Pagkabilog (ponetika))

Sa ponetika, tumutukoy ang pagkabilog (Ingles: roundedness) ng mga patinig sa antas ng pagbilog ng labi habang nagaganap ang artikulasyon ng naturang patinig. Ginagamit ang salitang ito para sa mga patinig; ang katumbas nito sa mga katinig ay pagkalabi. Sa mga bilog na patinig (Ingles: rounded vowel), bumibilog ang labi habang sinasalita ito, habang nakarelaks lang ang labi habang sinasalita ang mga di-bilog na patinig (Ingles: unrounded vowel). Parehong may bilog at di-bilog na patinig sa wikang Tagalog.[1]

Kalimitang mga harapang patinig ang di-bilog, habang bilog naman ang mga likurang patinig. Gayunpaman, may malinaw na pagkakaiba ang pagkabilog ng mga patinig ng magkaparehong taas sa ilang mga wika, tulad ng wikang Aleman, Pranses, at Islandes, gayundin sa wikang Biyetnames, kung saan may pagkakaiba ang mga bilog at di-bilog na patinig ng magkaparehong taas, at sa wikang Alekano, na meron lang mga di-bilog na patinig.[2] Sa mga pares ng patinig sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA), nasa kanan sinusulat ang mga bilog na patinig: halimbawa, sa pares na [i y], bilog na patinig ang [y], samantalang di-bilog naman ang [i]. May magagamit din na mga tuldik para ipakita ang antas ng pagkabilog ng isang patinig: U+0339 ◌̹ COMBINING RIGHT HALF RING BELOW at U+031C ◌̜ COMBINING LEFT HALF RING BELOW. Gamit ito, masasabing mas matindi ang pagkabilog ang [o̹] kesa sa [o]; sa parehong pananaw, masasabing mas matindi ang pagiging hindi bilog ng ɛ̜ kesa sa ɛ.[3]

Bilog na patinig

baguhin
Halimbawa 1
Nakaumbok
Nakapisil
Halimbawa 2
Nakaumbok
Nakapisil

May dalawang uri ng pagkabilog ng mga patinig: nakaumbok at nakapisil.

Nakaumbok na patinig (Ingles: protruded vowel)[a] ang mga patinig kung saan nakaumbok o parang nakanguso ang labi ng nagsasalita. Mahigpit na nakadikit ang parehong bahagi ng labi sa isa't-isa at nakaumbok nang parang tubo. Nakapisil na patinig (Ingles: compressed vowel)[b] naman ang mga patinig kung saan nakapisil ang labi ng nagsasalita. Mahigpit na nakadikit din ang labi sa isa't-isa; gayunpaman, wala itong ginagawang tubo, at tanging gilid lang ng labi ang gumagawa ng namamahala sa daloy ng hangin.

Walang kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA) ang magagamit para maipakita ang pagkabilog ng mga patinig. Gayunpaman, pwedeng magamit ang mga simbolong ⟨◌ᵝ⟩[c] o ⟨◌ᶹ⟩ para sa pagpisil at ⟨◌ʷ⟩ naman para sa pag-umbok. Depende sa pagpapakahulugan, posibleng isulat ang transkripsyon nito bilang ⟨ʉᵝ uᵝ⟩ (kumpara sa ⟨ɨᵝ ɯᵝ⟩), o ⟨ʉᶹ uᶹ⟩ (kumpara sa ⟨ɨᶹ ɯᶹ⟩).[d]

Di-bilog na patinig

baguhin

May dalawang uri ang mga di-bilog na patinig: bukas at patas. Madalas nabubuo ang mga harapang patinig nang nakabukas ang mga labi, at lalo pa itong lumalaki depende sa taas ng patinig.[8] Madalas patas ang mga nakabukang patinig — hindi nakabukas o bilog. Dahil ito sa pangang nakabuka, na pisikal na naglilimita sa pagiging bilog o bukas ng labi.[9] Sa PPA, sinisimbolo ito ng [a].[10]

Talababa

baguhin
  1. Sa wikang Ingles, kilala rin ito sa tawag na endolabial, lip-pouting, horizontal lip rounding, outrounding, at inner rounding.[4]
  2. Sa wikang Ingles, kilala rin ito sa tawag na exolabial, pursed, vertical lip-rounding, inrounding, at outer rounding.[5]
  3. Halimbawa ang ɨᵝ.[6] Rinerekomenda ng Handbook ng PPA ang na pwedeng gamitin para sa sekundaryong pagbabawas ng pagbukas ng labi na hindi sinasamahan ng pag-umbok o pag-ipit ng likurang-dila.[7]
  4. Bukod sa mga ito, may ilan ding simbolo ang ginagamit, tulad ng nakaumbok na ⟨ỿ⟩ ([yʷ]) at ang nakapisil na ⟨ꝡ⟩ ([ɰᵝ]). Para maiwasan ang implikasyon na kinakatawan ng superscript ang isang off-glide, nilalagay ito minsan sa taas ng pangunahing titik nito (hal. yᷱ, ɯᷩ).

Tingnan din

baguhin
  • Pagkalabi – ang katumbas ng pagkabilog sa mga katinig.

Sanggunian

baguhin

Pagsipi

baguhin
  1. Llamzon (1966).
  2. Deibler (1992).
  3. "Further report on the 1989 Kiel Convention" [Karagdagang ulat sa Kumbensiyon sa Kiel ng 1989]. Journal of the International Phonetic Association (sa wikang Ingles). 20 (2): 23. Disyembre 1990.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Trask (1996), pp. 180.
  5. Trask (1996), pp. 252.
  6. Flemming (2002), p. 83.
  7. International Phonetic Association (1999).
  8. Westerman & Ward (2015), p. 27.
  9. Robins (2014), pp. 90.
  10. International Phonetic Association (1999), pp. 13.

Pangkalahatan

baguhin