Nakabukang patinig
Nakabukang patinig (Ingles: open vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa pinakamalayong makakayang puwesto mula bahagi ng bubong ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ito sa tawag na mababang patinig (Ingles: low vowel).[a] Sa wikang Tagalog, [a] ang nag-iisang nakabukang patinig.[2]
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Listahan
baguhinNarito ang mga nakabukang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
- nakabukang harapang di-bilog na patinig [a]
- nakabukang harapang bilog na patinig [ɶ][b]
- nakabukang likurang di-bilog na patinig [ɑ]
- nakabukang likurang bilog na patinig [ɒ]
Bukod sa mga ito, narito din ang mga nakabukang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
- nakabukang sentrong di-bilog na patinig [ä] o [ɐ̞] (madalas sinusulat bilang [a] na para bang isa itong harapang patinig)
- nakabukang sentrong bilog na patinig [ɒ̈]
Talababa
baguhin- ↑ Sa wikang Ingles, mas ginagamit ang salitang low vowel sa Estados Unidos. Gayunpaman, minumungkahi ng Pandaigdigang Samahang Pangponetika (IPA) ang paggamit sa salitang open vowel.
- ↑ Walang wika sa mundo ang may natatanging patinig na may ponemang hiwalay sa /œ/.
Sanggunian
baguhin- ↑ Knight, Rachael-Anne; Setter, Jane, mga pat. (2021). The Cambridge Handbook of Phonetics [Ang Handbook ng Ponetika ng Cambridge] (sa wikang Ingles). Cambridge, Reyno Unido: Cambridge University Press. doi:10.1017/9781108644198.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 20 Mayo 2023.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)