Nakasarang patinig
Nakasarang patinig (Ingles: close vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa pinakamataas na bahagi ng bubong ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ito sa tawag na saradong patinig at mataas na patinig (Ingles: high vowel).[a] Sa wikang Tagalog, [i] at [u] ang mga nakasarang patinig.[2]
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Listahan
baguhinNarito ang anim na nakasarang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
- nakasarang harapang di-bilog na patinig [i]
- nakasarang harapang nakapisil na patinig [y]
- nakasarang sentrong di-bilog na patinig [ɨ]
- nakasarang sentrong nakaumbok na patinig [ʉ]
- nakasarang likurang di-bilog na patinig [ɯ]
- nakasarang likurang nakaumbok na patinig [u]
Bukod sa anim na ito, nasa baba naman ang mga nakasarang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
- nakasarang harapang nakaumbok na patinig [ʉ̟] (yʷ)
- nakasarang sentrong nakapisil na patinig [ÿ] (ɏ)
- nakasarang likurang nakapisil na patinig [ɯᵝ] (u͍)
Posibleng maipakita ang iba pang mga nakasarang patinig gamit ang mga tuldik ng relatibong artikulasyon na nilalagay sa mga titik para sa mga kalapit na patinig. Halimbawa, ⟨i̠⟩ o ⟨ɪ̝⟩ para sa isang nakasarang halos harapang di-bilog na patinig.
Tingnan din
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Sa wikang Ingles, mas ginagamit ang salitang high vowel sa Estados Unidos. Gayunpaman, minumungkahi ng Pandaigdigang Samahang Pangponetika (IPA) ang paggamit sa salitang close vowel.
Sanggunian
baguhin- ↑ Knight, Rachael-Anne; Setter, Jane, mga pat. (2021). The Cambridge Handbook of Phonetics [Ang Handbook ng Ponetika ng Cambridge] (sa wikang Ingles). Cambridge, Reyno Unido: Cambridge University Press. doi:10.1017/9781108644198.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 21 Abril 2023.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)