Paglalaan ng yaman

Ang paglalaan ng yaman (sa Ingles: resource allocation o resource management) ay ang pagtatalaga ng mga magagamit na mapagkukunang-yaman upang magamit sa iba't ibang paraan. Sa konteksto ng isang kabuuang ekonomiya, ang mga mapagkukunang-yaman ay maaaring ilaan sa iba't ibang paraan, katulad ng mga merkado o sentral na pagpaplano. Sa pamamahala ng mga proyekto, ang alokasyon ng yaman ay ang pag-tatakda ng mga aktibidad at ng mga mapagkukunang-yaman na kailangan ng mga ganoong gawain, habang isinasaalang-alang ang parehong pagkakaroon ng mapagkukunang-yaman at ang oras ng proyekto.

Sa ekonomiya, ang pampublikong pananalapi ay may kaugnayan sa tatlong malalawak na saklaw: ang makroekonomikong pagpapanatag, ang distribusyon ng kita at yaman, at ang alokasayon ng mga mapagkukunang-yaman. Karamihan ng mga pag-aaral sa alokasyon ng mga mapagkukunang-yaman ay nakatuon sa paghahanap ng mga kondisyon kung saan ang mga partikular na mekanismo ng alokayon ng yaman ay nagbubunga sa episyenteng Pareto na sinasabing walang partido ang mapapabuti nang walang mapapahamak na ibang partido.

Sa estratehikong pagpaplano, ang alokasyon ng yaman ay isang plano sa paggamit ng mga mapagkukunang-yaman. Halimbawa ay ang yamang-tao, lalong-lalo na sa sandaling panahon, na nais makamit ang mga layunin para sa hinaharap. Ito ay ang proseso ng paglalaan ng mga kulang na mapagkukunang-yaman upang mapabilang sa iba't ibang proyekto o mga yunit ng negosyo.

Tingnan din

baguhin