Ang kita o kinita (Ingles: income) ay ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi.[1] Ngunit, para sa mga indibiduwal, ang kita ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo, mga bayad sa paarkila (katulad ng renta o bayad sa paupahang bahay o apartamento), at iba pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon.[2] Para sa mga kompanya, ang kita ay pangkalahatang tumutukoy sa netong kinita: ang natitira pa sa perang pumapasok sa negosyo o kitambayan kung ukol sa pamahalaan pagkaraang mabawas na ang mga gastusin o ginastos.[3] Sa larangan ng ekonimiyang pampubliko, maaari itong tumukoy sa akumulasyon o pagkaipon ng kapwa kakayahang makakonsumo o makatanggap ng kabayarang salapi o hindi salapi, kung saan ang hindi salaping kabayaran ay ginagamit bilang panghalili para sa kabuuang kita.[1]

Tingnan dinBaguhin

Tingnan ang income sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Mga sanggunianBaguhin

  1. 1.0 1.1 Barr, N. (2004). Problems and definition of measurement. In Economics of the welfare state. New York: Oxford University Press. pp. 121-124
  2. Case, K. & Fair, R. (2007). Principles of Economics. Upper Saddle River, NJ: Pearson Education. p. 54.
  3. Schoen, John W. "What's the difference between revenue and income?". msnbc. Hinango noong 2008-03-14.