Pagpupulong pang-anime

Ang isang pagpupulong pang-anime ay isang kaganapan o pagdiriwang na kasama ang pangunahing pagtuon sa anime, manga at Kulturang Hapones. Karaniwan, ang pagpupulong pang-anime ay maramihang araw na pangyayari na ginaganap sa bulwagan ng pagpupulong, otel o kampus ng paaralan. Tinatampok nila ang isang malawak na iba't ibang mga aktibidad at panel, kasama ang isang mas malaking pagdalo ng mga lumalahok sa cosplay kaysa ibang uri ng kumbensyon pantagahanga. Ginagamit din ang pagpupulong pang-anime bilang isang behikulo ng industriya, kung saan kinakatawan ng mga istudiyo, tagapagpamahagi at tagalathala ang kanilang mga nilabas na kaugnay na anime.

Kasaysayan

baguhin
 
Sa labas ng bulwagan ng kumbensyon sa Anime Expo noong 2004.

Iba-iba ang mga pagpupulong pang-anime sa kasaysayan sa buong mundo. Nasimula ang orihinal na Comiket, na karamihan nakabatay sa manga na nilathala ng mga tagahanga na tinatawag na dōjinshi, noong 1975 na may 700 katao sa Tokyo.[1] Noong kamakailang mga taon, nakakuha ang Comiket ng higit sa kalahating milyong katao. Mabigat na inisponsor ang mga kumbensyon sa bansang Hapon ng mga istudiyo o mga kumpanyang naglalathala at ginagamit ang mga pagpupulong na ganito bilang plataporma para sa bagong paglalabas. Karagdagan pa sa bansang Hapon, ang opisyales ng mga kumbensyon sa mga pinagdarausan tulad ng AnimeJapan ay sinusubok na inaabot ang ibayong-dagat na manga otaku.[2] Nagsimulang lumitaw ang mga pagpupulong pang-anime sa Estados Unidos noong unang bahagi ng dekada 1980.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sherrie A. Inness (Oktubre 29, 1998). Millennium Girls: Today's Girls Around the World. Rowman & Littlefield. p. 244. ISBN 9780847691371. Nakuha noong Hunyo 13, 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Roland Kelts (Marso 27, 2015). "AnimeJapan 2015 sees the big picture". www.japantimes.co.jp. Nakuha noong Hunyo 13, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Yamatocon 1983 Convention Information". AnimeCons.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 18, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin