Pagsalakay sa Bastille

Ang Pagsalakay sa Bastille ( Pranses: Prise de la Bastille [pʁiz də la bastij] ) ay naganap sa Paris, Pransiya, noong Hulyo 14, 1789, nang lumusob ang mga nagaklas na mapanghimagsik at inagaw ang kontrol sa muog-tanggulan, kuta, at bilangguan na kilala bilang Bastille. Sa panahong iyon, ang Bastille ay kumakatawan sa kapangyarihan ng maginoong uri sa gitna ng Paris. Naglalaman lamang ang bilangguan ng pitong bilanggo sa oras ng paglusob nito, ngunit tinanaw ito ng mga manghihimagsik bilang sagisag ng kapangyarihan at pang-aapi ng monarkiya. Ang pagbagsak nito ang naging simulang hudyat ng Himagsikang Pranses.

Pagsalakay sa Bastille
Bahagi ng Himagsikang Pranses
Petsaika-14 Hulyo taong 1789
Lookasyon
Paris, Île-de-France, Kaharian ng Pransiya
Resulta

Pagtatagumpay ng mga manghihimagsik

Mga nakipagdigma
Manghihimagsik na Pranses
Nag-alsang Kasapi ng Guwardiya-sibil Pranses
Pamahalaan ng Hari
Mga kumander at pinuno
Pierre-Augustin Hulin Bernard-René Jourdan de Launay(binitay)
Lakas
Humigit-kumulang ng 688 -1,000 armadong nag-aklas na mamamayan; 61 Guwardiya-sibil Pranse; hindi bababa sa 5 piraso ng artilerya 114 sundalo (82 Invalides (beterano), 32 Suwisong sundalo ng Rehimiyento Salis-Samade); 30 praso ng artilerya
Mga nasawi at pinsala
93 napatay, 15 ang namatay sa mga sugat pagkatapos magwagi, 73 sugatan 1 napatay sa labanan; 113 ang nabihag (anim o posibleng walo ang namatay pagkatapos sumuko)
Pagsalakay sa Bastille ipininta ni Jean-Pierre Houël

Sa Pransiya, ang Hulyo 14 ay isang pambansang pista, at karaniwang tinatawag rin na "Bastille Day" sa Ingles. Gayunpaman, hindi wasto ang ekspresyong Araw ng Bastille, dahil ang kaganapang ipinagdiriwang sa panahon ng pambansang araw ay ang Fête de la Fédération ng 1790, na siyang ang unang anibersaryo ng Araw ng Bastille.

Humarap ang yugto ng paghahari ni Louis XVI ng Pransiya sa isang malaking krisis sa ekonomiya. Bahagyang dulot ang krisis na ito ng gastos sa pakikialam sa sa Himagsikang Amerikano, at lalong pinalala ng isang paurong na sistema ng pagbubuwis, at pati na rin ang masamang ani noong huling mga taon ng dekada 1780[1] Noong ika-5 Mayo 1789, nagpulong ang Estados-Heneral upang harapin ang isyung ito, ngunit pinigilan ng mga makalumang pamamalakad at mapaninggal na Ikalawang Estado, na kumakatawan sa uring maginoo[2] na bumubuo ng mas kaunti pa ng dalawang bahagdan ng bilang ng Pransiya.[3]

Sa ika-17 Hunyo 1789, ang Ikatlong Estado, kasama ang mga kinatawan nito na nagmula mula sa mga karaniwang tao, ay hinirang ang sarili nito bilang ang Pambansang Kalipunan, isang katawang tinipon na ang naglalayon ng pagkalikha ng isang saligang-batasng Pransiya. Sa simula ay tinutulan ng hari ang mga kaganapang ito, ngunit kinalaunan ay napilitang siya na kilalanin ang katungkulan ng kapulungan, na pinalitan ang sarili nitong Pambansang Kalipunan sa Paglikha ng Saligang-Batas noong iak-9 Hulyo.[4]

Ang Paris, malapit sa panghihimagsik, at sa mga salita ni François Mignet, "lasing sa kalayaan at sigasig", [5] ay nagpamalas ng malawak at matinding pasuporta sa Kalipunan. Inilathala ng mga pahayagan ang mga pagtatalunan at debate ng Kalipunan; Kumalat ang pampulitikang pagtatalo at pangangatwiran sa labas ng Kalipunan sa mga pampublikong liwasan at bulwagan ng kabisera. Ang Palais-Royal at ang mga pal,igit nito ay naging ganapan ng isang walang-humpay na pagkikita-kita at pagpupulong.[6]

Winingkag ang bilangguan sa Abbaye ng pulutong madla, na nanalig sa karapatang panunungkulan ng pagpupulong sa Palais-Royal, upang palayain ang ilang mga grenadierng mga guwardiya-sibil, na iniulat na nakulong dahil sa kanilang pagtanggi na magpaputok sa mga tao.[7] Pinatagubilin ng Kalipunan ang mga nakakulong na guwardiya sa kaluwagang-awa ng hari; bumalik sila sa bilangguan isang araw bilang palatandaan, at nakatanggap ng kapatawaran.[8] Ang karaniwang kasapi ng rehimyento, na dating itinuturing na maaasahan ng korona at uring maginoo, ay ngayon pumang na sa layon ng karamihan.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Schama 1989, p. 60–71.
  2. Price, p. 20.
  3. Schama 1989, p. 402.
  4. Sydenham 1965, p. 46.
  5. Mignet 1824, §Chapter I
  6. Schama 1989, p. 370-371.
  7. Schama 1989, p. 371.
  8. Godechot 1970, p. 242.
  9. Schama 1989, p. 375.