Pagsasayaw sa yelo

Ang Pagsasayaw sa yelo (Ingles: Ice dancing) ay isang uri ng sayaw at masining na paglalayag sa yelo na may kaugnayan sa sayaw na pambulwagan. Ang unang paligsahan para rito sa Pandaigdigang Kampeonato ng Masining na Paglalayag sa Yelo ay naganap noong 1952, subalit naging isang isport na may medalya lamang para sa Pangtaglamig na Palarong Olimpiko nang sumapit ang 1976. Katulad ng sa tambalang paglalayag sa yelo (pair skating sa Ingles), ang mga mananayaw ay nakikipagpaligsahan bilang isang magkapareha na binubuo ng isang lalaki at ng isang babae. Naiiba ang pagsasayaw sa yelo mula sa tambalang paglalayag sa yelo dahil hindi nito pinapahintulutang buhatin o angatin ng lalaki ang babae na lalampas sa kanyang ulo. Dapat ding manatilingmagkalapit ang mga naglalayag sa yelo. Hindi sila maaaring magsagawa ng mga pagtalon. Ang pagsasayaw sa yelo ay ang nag-iisang uri ng sayaw sa yelo na nagpapahintulot ng tugtuging may tinig para sa opisyal na mga paligsahan.

Isang masiglang magkaparehang nagsasayaw sa yelo.

Mga sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.