Plantsang panghinang

(Idinirekta mula sa Pagsosolder)

Ang plantsang panghinang (Ingles: soldering iron) at baril na panghinang (Ingles: soldering gun) ay mga aparato o kasangkapang ginagamit sa pagdirikit ng dalawang bahaging metal sa pamamagitan ng pagdarang sa init upang matunaw ang tingga, tin (o lata) at lead.

Isang plantsang panghinang.
Isang baril na panghinang.

Paglalarawan

baguhin

Plantsang panghinang

baguhin

Binubuo ang plantsang panghinang ng pinaiinitang dulo ng metal at insulado (karaniwan gawa sa kahoy) o hindi tinatablan ng init na hawakan. Kalimitang napapainit ang dulo sa pamamagitan ng kuryenteng nanggagaling sa isang kurdong dekuryente, isang baterya, o gas, o panlabas na apoy. May ilang umiinit at lumalamig sa loob lamang ng mangilan-ngilang segundo, ngunit mayroon namang umaabot ng mga minuto bago uminit o lumamig. Pangunahing ginagamit ang plantsang panghinang sa pagdirikit ng mga sangkap na pang-elektroniks sa ibaba ng isang tabla ng sirkit (circuit board), katulad ng sa pagbubuo ng radyo[1], subalit ginagamit din sa pagdirikit sa mga alahas.

Baril na panghinang

baguhin

Samantala, ang baril na panghinang o paltik na panghinang ay isang kagamitang ginagamit sa pagsusulda (pagsosolder) o paghihinang ng sulda o solder (pandikit na pinaghalong lata at tingga) upang matamo ang isang napakakonduktibo o mabilis na paghahatid ng init o kuryenteng pag-uugnay. Mayroon itong hugis na parang pistola, baril, o paltik at may gatilyong pindutan upang madali o maginhawang mapaandar ng isang kamay. Isang pangunahing kapakinabangan ng baril na panghinang ang madali nitong maabot ang init na panggawain sa loob ng 5 mga segundo.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Digest, Reader's (1986). Complete Do-it-yourself Manual. Pleasantville, New York / Montreal, Canada: The Reader's Digest Association, Inc. ISBN 0895770105. {{cite book}}: Check |first= value (tulong); External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 39.