Pagsipsip

(Idinirekta mula sa Pagsupsop sa suso)

Sa pisika, ang pagsisip ay ang puweras na tinutulak ang materya mula sa isang espasyo tungo sa isa pa sa kadahilanang pinababang presyon ng hangin sa pangalawang espasyo kaysa naunang espasyo.[1]

Ang akto ng pagsisip habang gumagamit ng straw.

Nagreresulta ang pagtanggal ng hangin ng isang diperensyal na presyon. Kung gayon, limitado ang presyong pagsipsip sa panlabas na presyon ng hangin. Kahit ang isang ganap na bakyum (o basyo) ay hindi makakasipsip na mas maraming presyon kaysa kung anong mayroon sa kapaligiran. Nagkakaroon din ng paghigop o pagsipsip sa dagat, kapag napuno ng tubig at lumbog ang isang barko.

Ibang katawagan at ibang gamit

baguhin

Kasingkahulgan ng pagsisip ang ut-ot o pag-ut-ot,[2] pagsupsup, at paghigop. Pareho din ang kahulugan nito sa pagsuso na kadalasang ginagamit ang salita upang tukuyin ang pagsipsip ng bibig sa utong ng suso, katulad ng pagsuso ng isang sanggol upang makakain ng gatas sa dibdib ng ina nito. Ang isa pang katulad na salita ang paghitit o paghithit na ginagamit naman upang tukuyin ang paninigarilyo. Nagagawa rin ang pagsisip sa pamamagitan ng paghigop na ginagamitan ng straw o panghithit.

Sa ibang gamit, nanganghulugan ang pagsipsip bilang ang labis at hindi tapat na pagpuri sa isang tao, partikular sa isang may mataas na puwesto o isang amo.[3] Ginagawa ito upang makakuha ng pabor o pansariling pakinabang.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Definition of SUCTION". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2023-05-29. Nakuha noong 2023-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. English, Leo James (1977). "Ut-ot, hitit, hithit". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tan, Michael (2007-07-10). "'Sipsip, sulsul'". Philippine Daily Inquirer. ISSN 0116-2462.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)