Pagsusuri ng kontra balistik na misayl sa Tsina noong 2010
Ang Republikang Popular ng Tsina ay nagsagawa ng nakabase sa lupa at mataas na pagsusuri sa kontra balistik na misayl noong 11 Enero 2010.[1]
Pangunahing impormasyon
baguhinAng pagsusuri ng Tsina ang unang pagsusuri nang katulad na uri na ginawa sa Estados Unidos. Ang unang pagsusuri sa Estados Unidos ay isinagawa sa Vandenberg Air Force Base (Vandenberg AFB), California.
[1] Ang paglipad ng Intercontinental ballistic missile ay may tatlong yugto sa himpapawid, ang pagbunsod (unang yugto), ang kalagitnaan (ikalawang yugto), at ang huling muling pagpasok sa atmospera (panghuling yugto). Ang pagsusuri na ginanap ng Tsina ay nakatuon sa ikalawang yugto kung kailan nasa labas ng atmospera ang puntirya. Ang kontra-misayl ay nilunsad ng sikat na HQ-9 na sistema ng tanggulan. Sinasabi na tagumpay' ang pagsusuri. Ang buong pangalan ng pagsusuri ay tinatawag na Test of the Land-based Mid-course Phase Anti-ballistic Missile Interception Technology (simplified Chinese: 陆基中段反导拦截技术试验).
[1] Lumabas ang isang lathalain sa PLA Daily noong Nobyembre 12, 2009 na nagpapakita na mayroon na ang Tsina ng bagong uri ng misayl na mayroong kapabalidad na kontrahin ang iba pang misayl. Kamakailan lamang, pinatunayan rin ito ng isang pahayag ni Zhu Zhuhua (朱祝华), direktor ng PLA Air Force Furnishment Research Institute (解放军空军装备研究院).
Mga kawing
baguhin- SINA News 11th January 2010 - 我国进行陆基反导拦截技术试验 (China tested land-based anti-ballistic missile technology) (sa Tsino)
- Yahoo! News - China says missile defense system test successful (sa Ingles)