Pagtaas ng Watawat sa Iwo Jima
Ang Pagtaas ng Watawat sa Iwo Jima (Ingles: Raising the Flag on Iwo Jima) ay isang makasaysayang larawan na kinuha noong Pebrero 23, 1945 ni Joe Rosenthal. Inilalarawan nito ang limang Kawal na Hukbong Pandagat ng Estados Unidos at ng isang taong-hukbo ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na nagtataas ng watawat ng Estados Unidos sa tuktok ng Bundok Suribachi noong panahon ng Labanan sa Iwo Jima sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sobrang naging kilala ang larawan, kung saan ito ay inilimbag muli sa libu-libong publikasyon. Mamaya, ito ay naging unang larawan na nanalo ng Gantimpalang Pulitzer para sa Potograpiya sa magkaparehong taon ng paglimbag nito, at sa wakas ay nakilala bilang isa sa mga pinakamahalaga at pinakakilalang larawan ng digmaan, at posibleng ito ay naging larawang pinakasinipi sa lahat ng panahon.[1]
Sa anim na taong nakalarawan sa larawan, tatlo (Franklin Sousley, Harlon Block, ay Michael Strank) ay nasawi sa labanan; ang mga tatlong nabuhay (John Bradley, Rene Gagnon, at Ira Hayes) ay naging kilala sa paglimbag ng larawan. Mamayang ginamit ni Felix de Weldon ang larawan upang iliok ang USMC War Memorial, na nakapuwesto sa tabi ng Pambansang Libingan ng Arlington sa labas ng Washington, D.C.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Fifty Years Later, Iwo Jima Photographer Fights His Own Battle". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-04-12. Nakuha noong 2007-08-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2004-04-12 sa Wayback Machine.
Silipin din
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.