Pagtalungko (pamamahinga)

Para sa ehersisyo, basahin ang Talungko (ehersisyo).

Ang pagtalungko (Ingles: squatting) ay isang kalagayan, puwesto, o posisyon kung saan ang bigat ng katawan ay nakapatong sa mga paa (katulad ng sa pagtayo) subalit ang mga tuhod ay nakabaluktot nang buo (buo o malalim na pagtalungko) o bahagya (hindi buo, hindi tuluyan) lamang. Bilang pagkakaiba sa pagtalungko, ang pag-upo ay kinasasangkutan ng bahagyang paglalagay ng bigat ng katawan sa puwitan laban sa sahig o sa isang pahalang na bagay, na katulad ng ibabaw ng upuan. Ang pagyukyok naman ay maaaring kasangkutan ng pagtalungko o kaya ng pagluhod. Posibleng tumalungko sa pamamagitan ng isang binti lamang at ilagay ang isa pang binti sa iba pang posisyon (katulad ng pagluhod).[1] Sa piling ng mga adultong Asyano, ang pagtalungko ay kadalasang pamalit sa pag-upo o panghalili sa pagtayo.[2]

Ang pagtalungko sa lupa bilang isang posisyon ng pamamahinga.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hewes GW: ' World distribution of certain postural habits' American Anthropologist, 57, (1955), 231-44
  2. Dobrzynski, Judith H. (2004-10-17). "An Eye on China's Not So Rich and Famous". The New York Times. Nakuha noong 2010-04-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.