Ang pagtaya ng lindol ay isang sangay ng agham ng sismolohiya na may kinalaman sa probabilistikong pagtatasa ng pangkalahatang sismikong peligro ng lindol, kabilang ang kadalasan at magnitud ng mapangwasak na mga lindol sa isang binigay na lugar sa loob ng mga taon o mga dekada.[1] Habang kadalasang tinuturing ang pagtaya na isang uri ng prediksyon, kadalasang ipinagkakaiba ang pagtaya ng lindol mula sa prediksyon ng lindol, na ang layunin ay espesipikasyon ng oras, lokasyon, at magnitud ng mga lindol sa hinaharap na may sapat na presisyon na isang babala na maaring ilabas.[2][3] Naiiba ang parehong pataya at prediksyon ng mga lindol mula sa mga sistema ng babala sa lindol, na sa deteksyon ng isang lindol, nagbibigay ng isang babala sa mga rehiyon na maaring naapektuhan.

Noong dekada 1970, optimista ang mga siyentipiko na ang isang praktikal na kaparaanan para sa pagtaya ng lindol ay malapit ng matagpuan, subalit noong dekada 1990, naidulot ng patuloy na kabiguan ang maraming tanong kung posible nga ba talaga ito.[4] Ang mga ipinakitang tagumpay na prediksyon sa malaking lindol ay hindi pa nangyayari at kontrobersyal ang iilang mga pag-angkin ng tagumpay.[5] Samakatuwid, ang maraming mapagkukunan sa agham at pamahalaan ay nagamit sa pagtaya ng probabilistikong sismikong peligro sa halip na sa prediksyon ng indibiduwal na lindol. Ginagamit ang mga ganoong pagtaya sa pagkakatatag ng mga kodigo sa gusali, estraktura ng singil sa seguro, mga programa sa kamalayan at paghahanda, at publikong polisiya na may kaugnayan sa mga kaganapang sismiko.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kanamori 2003, p. 1205. Tingnan din ICEF 2011, p. 327 (sa Ingles).
  2. Geller et al. 1997, p. 1616, sinusundan ng Allen (1976, p. 2070), na sinusundan naman ng Wood & Gutenberg (1935). Kagan (1997b, §2.1) na sinasabi sa Ingles: "This definition has several defects which contribute to confusion and difficulty in prediction research." In addition to specification of time, location, and magnitude, Allen suggested three other requirements: 4) indication of the author's confidence in the prediction, 5) the chance of an earthquake occurring anyway as a random event, and 6) publication in a form that gives failures the same visibility as successes. Kagan & Knopoff (1987, p. 1563) define prediction (in part) "to be a formal rule where by the available space-time-seismic moment manifold of earthquake occurrence is significantly contracted ...."
  3. Kagan 1997b, p. 507 (sa Ingles).
  4. Geller et al. 1997, p. 1617; Geller 1997, §2.3, p. 427; Console 2001, p. 261 (sa Ingles).
  5. E.g., ang pinakasikat na pag-angkin ng prediksyon ay sa diumano para sa lindol sa Haicheng noong 1975 (ICEF 2011, p. 328), at naitala ito sa mga aklat-aralin (Jackson 2004, p. 344). Hinuha ng isang kalaunang pag-aaral na walang balidong maikling-terminong prediksyon (Wang et al. 2006).
  6. "National Seismic Hazard Maps" (sa wikang Ingles). United States Geological Survey. 25 Agosto 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Agosto 2016. Nakuha noong 1 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)