Ang Nadaramang pagtuon ng pansin o pagtuong nadarama (Ingles: sensate focus o sensate focusing) ay isang katagang may kaugnayan sa isang pangkat ng tiyak na mga ehersisyong pampagtatalik para sa mga magkakapareha o mga indibiduwal na tao. Ang kataga ay ipinakilala ng Masters and Johnson,[1] at nilayon para sa pagpapataas ng kamalayang personal at interpersonal (kamalayan ng sarili at sa iba pang mga tao) sa mga pangangailangan ng sarili at ng iba pa. Bawat kalahok ay hinihikayat na tumuon sa kani-kanilang samu't saring karanasan sa pagdama, sa halip na tanawin ang pagkakaroon ng sukdulan bilang isang nag-iisang layunin ng pagtatalik.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Van Hasselt, Vincent B.; Michel Hersen (1996). Sourcebook of psychological treatment manuals for adult disorders. Springer. pp. 348–351. ISBN 9780306451447.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.