Pakikipag-ugnayan sa pamayanan

Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay pagsasangkot at pakikilahok sa isang organisasyon para sa kapakanan ng komunidad.

Pagtukoy sa mga katangian

baguhin

Ang pagkilos ng mga boluntaryo, na kinasasangkutan ng paglalaan ng personal na oras sa mga proyekto sa mga humanitaryong NGOs o mga relihiyosong grupo, ay mga anyo ng pakikilahok sa komunidad. Pangkalahatang pinapasigla ng mga balores at ideyal ng katarungang panlipunan ang pakikilahok. Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay maaaring sa paraan ng pagboboluntaryo sa pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailangan, mga taong walang tirahan, mga programa tungkol sa pagtulong sa panahon ng kagipitan, mga programa ukol sa paglilinis ng kapaligiran sa komunidad, at iba pa.

Ito rin ay tinutukoy bilang “isang dinamikong relasyonal na proseso na nagpapadali ng komunikasyon, interaksyon, pakikilahok, at palitan sa pagitan ng organisasyon at komunidad para makamit ang iba’t ibang panlipunan at organisasyonal na layunin. Bilang isang konsepto, ang pakikilahok ay nagtatampok ng mga katangian ng koneksyon, interaksyon, partisipasyon, at pakikilahok, na ginawa upang makamit o makabuo ng resulta sa indibidwal, organisasyon, at panlipunang antas. Kinikilala ng mga kasalukuyang pananaliksik ang umiiral na sosyal na kalikasan ng pakikilahok. Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay nagbibigay ng etikal, mapanuri, at responsableng sosyal na paraan sa mga komunidad-organisasyon na relasyon na may pakikilahok na kasanayan na naglalayong maintindihan at matugunan ang mga pangangailangan, pananaw, at inaasahan ng komunidad. Upang magkaroon ng epekto ang akademikong pananaliksik, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, lalo na sa mga pananaliksik tungkol sa kalusugan ng populasyon at mga isyung pangkalusugan. Mahalagag gamitin ng mga mananaliksik ang mga pamamaraang pakikipag-ugnayan sa komunidad kung saan nagtutulong-tulong ang mga miyembro ng komunidad, mga organisasyon, at mga mananaliksik upang matukoy ang mga problema, magkaisa sa paggawa ng solusyon at magrekomenda ng mga pagbabago sa patakaran.