Ang pakikipagkamay o pakikipagdaup-palad[1] ay isang maikling ritwal kung saan naghahawak ng kanan o kaliwang kamay ang dalawang tao, na kalimitang may kasamang maiksing paitaas at pababang galaw ng magkahawak na mga kamay. Ginagamit ito sa pakikipagkilala, bilang pagbati sa dati nang kakilala, sa pakikipagbati sa dating kaalitan o pakikipagkasundo sa negosyo, at maging sa pamamaalam.

Pakikipagkamay

Kaiba sa pakikipagkamay o pakikipagdaup-palad, maaari ring tumukoy ang daup-kamay o magdaup-kamay sa pagdirikit ng mga kamay na magkaharap ang mga palad ng iisang tao o indibiduwal lamang, katulad ng ginagawa sa pagdarasal.[2]

Kaugnay ng pakikipagkamay, may isang tagpuan ang Sulat sa mga Galata (nasa Galata 2:9) sa Bagong Tipan ng Bibliya kung saan "nag-abot ng kanang kamay" kay San Pablo at Bernabe sina Santiagong anak ni Alfeo, Cefas (ibang tawag para kay San Pedro ito), at Juan bilang tanda ng pagtanggap sa pakikiisa ni San Pablo sa ibang mga apostol.[3]

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Handshake, pakikipagkamay; pagdadauppalad - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. English, Leo James (1977). "daop, magdaop, pagdaupin, magdaup-kamay". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 415.
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Pag-abot ng kanang kamay". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1700.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.