Kamayan

gawaing militar ng sama-samang kainan sa Pilipinas

Ang kamayan, kilala rin bilang kinamot o kinamut sa mga wikang Bisaya, ay ang tradisyonal na paraan sa Pilipinas ng pagkakain gamit ang mga kamay. Tumutukoy rin ito sa salu-salo, isang sama-samang handaan sa Pilipinas kung saan inihahain ang mga pagkain sa mga dahon ng saging at kinakain nang walang kagamitan.[1][2][3]

Kamayan
Ibang tawagkinamo, kinamut, boodle fight
LugarPilipinas
KaragdaganSadya (Kerala, Indiya)
Isang kamayan sa dalampasigan sa Baler, Aurora.
Isang kamayan sa dalampasigan sa Baler, Aurora.
Mga lalaki ng ika-2 Brigada ng Mekanisadong Impanterya ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay sinamahan ng mga sibilyan sa isang boodle fight.

Isa pang katawagan sa kamayan ang boodle fight na ginagamit sa konteksto ng tradisyon ng militar na magsikain nang sabay-sabay.[4][5][6][7]

Etimolohiya

baguhin

Ang kahulugan ng "kamayan" at "kinamot" ay "[kumakain] gamit ang kamay", mula sa salitang ugat na kamay at kamot na may parehong depinisyon.[8] Ang ibig sabihin ng "salu-salo" ay "handaan" o "bangkete", isang reduplikasyon ng salo, "kumain ng sabay" o "makisalo sa pagkain".

Ipinakikita ng mga reperensiya na ang salitang "boodle" ay balbal ng militar sa Estados Unidos para sa mga matatamis na kontrabando[9] katulad ng keyk, kendi at ice cream. Ang "boodle fight" ay parti kung saan nakahain na boodle.[10] Maaari ring nanggaling ang salita mula sa "kit and caboodle"; ang caboodle ay hinango mula sa boodle o booty.[11]

Kasaysayan

baguhin

Pre-kolonyal ang kasanayan ng kamayan. Nailarawan ito sa mga ulat ni Antonio Pigafetta in the ekspedisyon ni Magellanes, pati na rin ng mga Kastilang misyonero noong pananakop ng Kastila. Habang mayroong mga kagamitan tulad ng mga kahoy na kutsara at sandok sa kulturang pre-kolonyal sa Pilipinas, hindi ipinangkain ang mga ito.[2][12][13]

Pinayagan ang kasanayan noong panahong Kastila, ngunit nasupil ito noong panahong Amerikano kung kailan agresibong itinaguyod ang etiketa ng mga Amerikano sa pagkain at ang paggamit ng mga kutsara at tinidor.[14][15]

Paglalarawan

baguhin

Tumutukoy ang kamayan sa kilos ng pagkakain gamit ang kamay, na siyang tradisyonal na pamamaraan ng pagkakain sa kulturang Pilipino noong panahong prekolonyal. Nagagawa ito sa pagbuo ng maliit na bunton ng kanin, pagdagdag ng ulam na pampalasa, at pagsiksik nito gamit ang mga daliri hanggang sa makabuo ng maliit na tagilo, pag-angat sa bibig habang nakayapos sa mga apat na daliri, at pagpasok nito sa bibig gamit ang hinlalaki. Mga daliri ng isang kamay lang ang ginagamit sa buong proseso. Hindi ginagamit ang palad at hindi pumapasok ang mga daliri sa bibig. Dahil hindi ginagamit ang isa pang kamay, maaari itong gamiting panghawak ng plato o isang inumin.[3][16][17]

Tumutukoy rin ito sa tradisyonal na sama-samang handaan ng pamayanan o pamilya, kung saan nilalagyan ng kanin at iba't ibang makukulay na ulam ang mga dahon ng saging at kinakain nang sabay-sabay. Hinuhugasan ang mga dahon at bahagyang nilalaib sa apoy upang kuminis at sinasapinan ang isang mahabang lamesa.[18] Sa Kapuluang Batanes sa hilagang Pilipinas, ginagamit ang dahon ng tipuho sa tradisyon ng paghahain na tinatawag na vunung o vunong.[19]

Nakaayos ang mga pagkain sa pantay-pantay na distansiya sa buong lamesa upang matiyak na abot-kamay para sa lahat ang mga handang pagkain. Karaniwang ginagamit ang mga sumusunod na kanin: sinaing, sinangag, o bugnoy. Kabilang sa mga karaniwang ulam ang inihaw, litson, lumpiya, mga pritong karne (tulad ng crispy pata), tusino, tapa, longganisa, pansit, itlog na nilaga o maalat, lamang dagat, daing, at gulay na nabanlian, sariwa, o ginisa. Sinasabayan ito ng samu't saring sawsawan, kalamansi, bagoong, pati atsara. Isinasama rin ang mga panghimagas kagaya ng mangga (hinog o hilaw), pinya, pakwan, papaya, buko, letseplan, at iba't ibang kakanin. Kadalasang palamig, serbesa, alak o softdrink ang mga inumin. Bilang patakaran, hindi isinasama ang mga sabaw.[18][3][20][21][22]

Ang kamayan ay impormal at matalik na paraan ng kainan. Nagpaparamdam ito ng nais na magbahagi sa isa't isa, at nakikipag-usap ang mga kalahok habang kumakain. Wala itong istriktong etiketa at tuntunin hindi kagaya sa kanluraning kainan, at nakadepende ang inihahain na pagkain sa anuman ang naroroon. Maaaring magkamayan sa pribadong kainan ng pamilya o sa mga pagtitipon, pagdiriwang, piknik o pista. Dumadami nang dumadami ang mga Pilipinong restawran na naghahain ng pagkain sa paraan ng kamayan.[2][8][18]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The practice of kamayan and how it fosters Pinoy pride" [Ang pagsasagawa ng kamayan at kung paano ito naglilinang ng pagmamapuri sa Pinoy]. Rappler (sa wikang Ingles). Disyembre 11, 2018. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Agosto 22, 2021. Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Makalintal, Bettina (Enero 20, 2018). "With A Show Of Hands, Filipino-American Chefs Rekindle Kamayan Feasts". NPR. Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Abbey, Francis (Nobyembre 18, 2019). "Love and pork - The Filipino feast you eat with your hands". WUSA9. Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dumdum Jr., Simeon (Hunyo 10, 2012). "The boodle fight" [Ang Boodle Fight] (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Marso 19, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Altheyie. "Boodle fight and the battle of Filipinos – A preview of OFW's life in Canada" [Boodle fight at ang laban ng mga Pilipino – Isang pangitain ng buhay OFW sa Canada] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Marcaida, Joana Joyce (Agosto 26, 2015). "The boodle fight" [Ang boodle fight] (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  7. "What is a Boodle Fight? - Ang Sarap" [Ano ang Boodle Fight? - Ang Sarap]. Ang Sarap (A Tagalog word for "It's Delicious") (sa wikang Ingles). Mayo 21, 2015. Nakuha noong Pebrero 10, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Sogn, Jamie (Agosto 9, 2017). "Eat with Your Hands: Filipino Kamayan Dining from the San Fernando Valley to the Mission" [Kumain Gamit Ang Iyong Mga Kamay: Kamayan ng mga Pilipino mula sa Lambak ng San Fernando sa [Kalyeng] Mission]. KCET (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Dolph, Edward Arthur (1942). "Sound off!" Soldier Songs from the Revolution to World War II ["Sound Off!" Mga Awit ng Sundalo mula sa Rebolusyon hanggang sa Ika-2 Digmaang Pandaigdig]. Farrar & Rinehart. p. 579.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Dickson, Paul (2014). War Slang: American Fighting Words & Phrases Since the Civil War [Balbal sa Digmaan: Mga Pang-aaway na Salita & Parirala ng Amerikano Mula Noong Digmaang Sibil] (sa wikang Ingles). Courier Corporation. p. 132. ISBN 978-0486797168.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Whole kit and kaboodle" (sa wikang Ingles). World Wide Words. Abril 10, 1999. Nakuha noong Mayo 16, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Kohnen, Norbert; Kohnen, Petra (1986). Igorot: Traditional Ways of Life and Healing Among Philippine Mountain Tribes [Igorot: Mga Tradisyonal na Paraan ng Buhay at Paglunas sa Mga Tribo sa Kabundukan sa Pilipinas] (sa wikang Ingles). SDK Systemdruck Köln GmbH.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Limos, Mario Alvaro (Marso 11, 2021). "These Precolonial Filipino Words Recorded by Pigafetta Are Still Used Today" [Ang Mga Salitang Prekolonyal na Ito sa Filipino na Naitala ni Pigafetta ay Ginagamit pa rin Ngayon]. Esquire (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Ting, Jasmine P. (Enero 4, 2019). "Cooking for the Kamayan" [Pagluluto para sa Kamayan]. Saveur (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Greaves, Vanessa (Setyembre 29, 2020). "Getting in Touch Through Kamayan, the Ultimate Filipino Feast" [Pakikipag-ugnayan Sa Kamayan, Ang Ultimong Handaang Pilipino]. allrecipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 22, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Kamayan - Eat Using Your Hands Culture" [Kamayan - Kultura ng Pagkakain Gamit Ang Iyong Kamay]. Filipino-Recipe.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Agosto 2021. Nakuha noong 22 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Use Your Hands: Traditional Filipino Way of Eating" [Gamitin Ang Iyong Mga Kamay: Tradisyonal na Pilipinong Paraan ng Pagkakain]. Primer.com.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 18.2 Mendiola, Idge (8 Hulyo 2019). "How to Create a Boodle Fight: A Guide to This Easy but Festive Way of Entertaining" [Paano Mag-Boodle Fight: Isang Gabay sa Ganitong Madali ngunit Maligaya na Paraan ng Pag-aaliw]. Esquire (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Agosto 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "The Ivatan Cuisine: Must-Try Batanes Dishes" [Ang Lutuing Ibatan: Mga Pagkaing Dapat-Subukan sa Batanes]. The Girl Behind The Pen (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Cebu's 'puso'" [en]. SunStar Philippines (sa wikang 'Puso' ng Cebu). 19 Mayo 2013. Nakuha noong 22 Agosto 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  21. Chavez-Bush, Leigh. "Kamayan: These epic Filipino feasts feature lavish spreads and forego utensils" [Kamayan: Mga epikong handaang Pilipino, nagtatampok ng kasaganaan at isinasantabi ang kubyertos]. Atlas Obscura (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Agosto 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "How To Prepare A Boodle Fight At Home, a.k.a. "Kamayan Feast" on Banana Leaves" [Paano Maghanda ng Boodle Fight sa Bahay, a.k.a. "Handaang Kamayan" sa Mga Dahon ng Saging]. Jeanelleats (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Agosto 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)