Kalamansi

espesye ng halaman

Ang kalamansi[2] (Citrus × microcarpa)[3], kalamunding[4], o aldonisis[5] ay hibridong sitrus na may kahalagahang pang-ekonomiya na karaniwang itinatanim sa Pilipinas. Katutubo ito sa Pilipinas, Borneo, Sumatra, at Sulawesi (Indonesya, Malaysia, at Brunei) sa Timog-silangang Asya; pati na rin sa timog Tsina at Taiwan sa Silangang Asya.

Kalamansi
Citrus × microcarpa
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
C. microcarpa
Pangalang binomial
Citrus × microcarpa
(Bunge) Wijnands[1]
Kasingkahulugan

Citrus mitis

Malaganap ang kalamansi sa tradisyonal na lutuing Pilipino. Napakaasim nito at ginagamit sa mga samu't saring kondimento, inumin, putahe, timpla, at minatamis. Ginagamit din ang kalamansi bilang sangkap sa mga lutuing Malasyo at Indones.

Isang hibirdo ang kalamansi ng kumquat (na dating itinuring bilang bahagi ng hiwalay na sari, Fortunella) at isa pang espesye ng Citrus (marahil ang dalanghita).[6]

Papangalan

baguhin
 
Kalamansing inilarawan ni Blanco, mula sa Flora de Filipinas (1837)
 
Puno ng kalamansi na may prutas

Kalamansi (o calamansi sa Ingles) ang pinakakilalang pangalan ng prutas na ito sa Pilipinas. Sa ilang bahagi ng Estados Unidos (lalo na ang Florida), kilala rin ang kalamansi sa pangalang calamondin, isang lumang pangalan mula sa panahong Amerikano ng Pilipinas. Ito ang iningles na anyo ng kalamunding.[7][8]

Dati, nakilala ang kalamansi sa mga siyentipikong pangalang Citrus mitis Blanco, C. microcarpa Bunge o C. madurensis Lour.; tinutukoy ito ng lahat bilang sitrus. Sa sistemang pag-uuri ng sitrus ni Swingle, nasa ibang sari ang mga kumquat sa ibang sari, Fortunella, na ginagawang hibiridong interheneriko ang kalamansi, at noong 1975 binigyan ito ng hibridong pangalan × Citrofortunella mitis ni John Ingram at Harold E. Moore batay sa pangalang pang-espesye ni Blanco,[9] ngunit noong 1984, ipinaliwanag ni D. Onno Wijnands na nauna ang pangalang pang-espesye ni Bunge, C. microcarpa (1832), ang Citrus mitis (1837) ni Blanco, kaya × Citrofortunella microcarpa ang wastong pangalan.[10] Inilalagay ngayon ng pagsusuring pilohenetiko ang kumquat sa parehong sari ng mga ibang sitrus, kaya lahat ng mga hibrido nito, kagaya ng mga dating ipinangalang × Citrofortunella ay kabilang din sa Citrus.[3]

Paggamit

baguhin

Pagluluto

baguhin
 
Ginagamit ang kalamansi kapag bahagyang hinog ito kasama ng toyo, suka, at/o siling labuyo bilang bahagi ng mga pinakamalaganap na sawsawan sa lutuing Pilipino, kagaya ng siomai

Maasim ang mga prutas na ito at kadalasang ginagamit sa pagpepreserba o pagluluto ng pagkain. Nagbubunga ang kalamansi ng maliit na sitrus na ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkain at inumin. Sa kabila nitong itsura at aroma, medyo maasim ang prutas mismo, ngunit matamis ang balat nito. Maaaring gumawa ng marmeladang kalamansi sa parehong paraan ng sa marmeladang kahel. May bitamina C ang prutas na ito.

Maaaring eladuhin ang buong prutas at gamitin bilang yelo sa mga inumin kagaya ng tsaa, soft drink, tubig, at kaktel. Maaaring gamitin ang katas nito bilang pamalit sa karaniwang limang Persa.[11]

Pilipinas

baguhin
 
Kalamansi palamig mula sa Pilipinas

Sa lutuing Pilipino, ginagamit ang katas sa pagmamarinada at pagtitimpla ng isda, ibong labuyo at baboy. Sinasangkap din ito sa mga putahe kagaya ng sinigang at kinilaw. Karaniwan din itong ginagamit bilang kondimento sa mga pagkain kagaya ng pansit o lugaw, o sa sawsawan ng katas ng kalamansi, toyo (toyomansi) at patis (patismansi) na ginagamit sa isda, lumpiya, siomai at iba pang malinamnam na ulam. Ginagamit din ito sa samu't saring inumin, sa anyong kalamansi palamig, isang Pilipinong inumin na kahawig ng limonada.[12]

Sa mga ibang rehiyon

baguhin

Malaysia at Singapura

baguhin
 
Isang plato ng Singapurenseng hokkien mee, na may kasamang kalamansi

Sa Malaysia at Singapura, ipinapares ang prutas, na kilala bilang limau kasturi[13] sa Malay at small lime sa Ingles ng mga Malay at Singapurense, sa mga putahe sa mga hawker center at restoran. Nagiging paraan ito upang maibalanse ang mga malinamnam na putahe tulad ng mga pansit at estupado. Ibinebenta rin ang halaman bilang palamuti.

Mga sanggunian

baguhin
  1. (07-10-2008). "×Citrofortunella microcarpa (Bunge) Wijnands". U.S. National Plant Germplasm System. Nakuha noong 12-09-2017.
  2. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  3. 3.0 3.1 Mabberley, D. J. (2004). "Citrus (Rutaceae): A Review of Recent Advances in Etymology, Systematics and Medical Applications" ["Sitrus" (Rutaceae): Isang Pagsusuri ng mga Kamakailang Pagsulong sa mga Aplikasyon ng Etimolohiya, Sistematika, at Medisina]. Blumea (sa wikang Ingles). 49 (2): 481–498. doi:10.3767/000651904X484432.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "kalamunding - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 12 Abril 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "aldonisis - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 12 Abril 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Citrofortunella Mitis – (Plants): Definition" [Citrofortunella Mitis – (Mga Halaman): Kahulugan] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hulyo 2019. Nakuha noong 2009-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Calamondin" [Kalamunding]. Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Calamondin" [Kalamunding]. Oxford Dictionaries (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2018. Nakuha noong 11 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Ingram, J.; Moore, H. e. (1976). "Rutaceae". Baileya (sa wikang Ingles). 19: 169–171.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Wijnands, D. Onno (1984). "Nomenclatural Note on the Calamondin [Rutaceae]" [Talang Nomenklatura ukol sa Kalamunding [Rutaceae]]. Baileya (sa wikang Ingles). 2: 134–136.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Susanna Lyle (20 Marso 2006). Fruit & nuts: a comprehensive guide to the cultivation, uses and health benefits of over 300 food-producing plants [Mga prutas & mani: isang komprehensibong gabay sa paglinang, paggamit, at benepisyo sa kalusugan ng higit sa 300 halamang nagbubunga ng pagkain] (sa wikang Ingles). Timber Press. ISBN 9780881927597. Nakuha noong 11 Hunyo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. PENNISTON, KRISTINA L.; NAKADA, STEPHEN Y.; HOLMES, ROSS P.; ASSIMOS, DEAN G. (Marso 2008). "Quantitative Assessment of Citric Acid in Lemon Juice, Lime Juice, and Commercially-Available Fruit Juice Products" [Kuwantitatibong Pagsusuri ng Asidong Sitriko sa Katas ng Limon, Dayap, at mMga Produktong Katas ng Prutas na Matatagpuan sa Komersyo]. Journal of Endourology (sa wikang Ingles). 22 (3): 567–570. doi:10.1089/end.2007.0304. ISSN 0892-7790. PMC 2637791. PMID 18290732.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Key Lime (Limau Nipis) & Calamansi lime (Limau Kasturi)". 3 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)