Ang Citrus ay isang genus (sari) ng mga punong namumulaklak sa pamilyang Rutaceae. Nakagagawa ang mga miyembro ng saring ito ng mga sitrus, na kinabibilangan ng mga dalandan, limon, suha, at dayap.

Citrus
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Sapindales
Pamilya: Rutaceae
Tribo: Citreae
Sari: Citrus

Ayon sa napapanahong pananaliksik, ang pinagmulan ng Citrus ay ang mga lugar na Australia, New Caledonia at New Guinea.[1] May ilan namang mga mananaliksik na naniniwalang ang mga ito ay nagmula sa Timog-silangang Asya malapit sa hilagang-silangan ng India, Burma, at ang probinsyang Yunnan sa Tsina,[2][3][4] at sa rehiyong ito nagmula ang mga ilang mga komersyal na mga espesye.

Kasaysayan

baguhin

Pangalan

baguhin

Ang generic na pangalang Citrus ay nagmula mula sa Latin, na kung saa'y tumutukoy ito sa alinman sa ang mga halaman na kilala na ngayon bilang citron (C. medica) o sa isang klase ng puno ng pino (Thuja). Ito ay maaaring dahil sa pagkakahalintulad ng amoy ng mga dahon ng sitrus at ng cedar.[5]

Ebolusyon

baguhin

Nagmula ang sitrus sa mga sinaunang berry noong unang panahon. Ang mga ito ay lumayo (diverged) mula sa iisang ninuno mga 15 milyong taon na ang nakakaraan. Nahati pa ulit ang mga sitrus mga pitong milyong taon na ang nakakaraan sa dalawang pangkat. Ito ay nataya gamit ang genetic mapping ng mga chloroplast.[6] Ang mga pangyayaring ito ay iniisip na naganap sa timog-silangang Asya o Australia.[7]

Tatlong espesye ng sitrus (dalanghita, suha, at sitron) ang pinagmulan ng mga mas makabagong sitrus.[8] Ang mga makabagong uri ng sitrus tulad ng kahel, limon, dayap, atbp) ay bunga ng paghahalo ng lahi (hybridization)ng tatlong espesyeng ito. Ang pangyayaring ito ay maihahalintulad sa nangyari sa mga sinaunang lahi ng sili.

Paglalarawan

baguhin
 
Hiwa ng iba't ibang mga prutas ng sitrus

Ang mga halamang ito ay maaaring kasinlaki ng mga palumpon o maliit hanggang sa katamtamang-laking mga puno, na umaabot sa 5-15 m. Maaari itong maging matinik. Ang mga bulaklak nito na kadalasan ay mahalimuyak ay kadalasang may limang puting talulot (petal).

Prutas

baguhin

Ang prutas ng sitrus ay isang berry na may isang matigas na balat (pericarp). Sa loob ay mayroong mga maliliit na bahaging tinatawag na locule na naglalaman ng juice vesicles.[9][10]

Ang kilalang amoy ng mga prutas ng sitrus ay maaaring dulot ng mga flavonoid at limonoid na nakapaloob sa balat. Karamihan din ng mga prutas na ito ay makatas, at naglalaman ng citric acid na nagdudulot ng asim. Dahil sa maraming gamit ng mga sitrus ay malaki ang tungkulin ng mga ito sa komersyo.

 
Mga pangunahing tagagawa ng sitrus.

Produksyon

baguhin

Ayon sa datos ng UN (2007), ang mga bansang Brazil, China, Estados Unidos, Mexico, India, at Espanya ang may pinakamalaking produksyon ng sitrus. Ang mga pangunahing lugar ng pag-aani ay sa timog Tsina, mga bansang nakapalibot sa Mediteranyo, timog Estados Unidos, Mehiko, at mga lugar sa Timog Amerika.

Mga gamit

baguhin

Bukod sa pagkain, ginagamit din ang sitrus sa panggagamot.

Mga footnote

baguhin
  1. Liu, Y.; Heying, E.; Tanumihardjo, S. (2012).
  2. Gmitter, Frederick; Hu, Xulan (1990).
  3. United Nations Conference on Trade and Development.
  4. Scora, Rainer W. (1975).
  5. Spiegel-Roy, Pinchas; Eliezer E. Goldschmidt (1996).
  6. A phylogenetic analysis of 34 chloroplast genomes elucidates the relationships between wild and domestic species within the genus Citrus
  7. "Where Did Citrus Fruits Originate From?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-28. Nakuha noong 2016-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. The origin and evolution of select citrus species.
  9. "Citrus fruit diagram" Naka-arkibo 2012-10-03 sa Wayback Machine.. ucla.edu. 
  10. "Lith".