Tosino

(Idinirekta mula sa Tocino)

Ang tusino o tosino (Ingles: rasher, bacon, ham o Philippine bacon[1]) ay ang mga maninipis na hiwa ng inasinang karne ng baboy na maaaring prituhin o ihawin sa hurno.[2][1]

Tocino

Sa Pilipinas

baguhin
 
Tosilog, ang tipikal na lutuin ng Pilipinas, pinaghalong tosino, pritong itlog, sinangág, at sinamahan ng atchara at iba pa

Popular ang tosino na gawa sa karneng baboy, at hinalo ito sa mga sangkap na alak na anis, annatto, tubig, asukal, at asin, pinagsama ito sa isang lalagyan at hinalo ito sa tamang timpla. Sinasama rin ito sa pagkaing Pilipino. Napapabilang ito sa mga pagkaing "silog": tulad ng tapsilog at longsilog, mayroon din ang tosilog (tosino, sinangag at itlog). Hinahain ito sa mga restawran, karinderya at ibang kainan, Tanyag ang tosino sa lalawigan ng Pampanga na tinutukoy bilang Kapampangang tosino, na ginagawa sa maayos na pamamaraan at umaabot ang pagluto mula apat hanggang anim na oras, Ang tosinong young pork o biik ay malambot at sariwa na gawa rin sa mga Lungsod ng Valenzuela maging sa iba pang parte nang Luzon sa Pilipinas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, may 194 na mga pahina, ISBN 9710800620
  2. English Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.