Palarong Olimpiko sa Taglamig 2026

Ika-25 edisyon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, na gaganapin sa Milan at Cortina, Italya.

Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig ng 2026, na opisyal na kilala bilang ang XXV Olympic Winter Games ( Pranses: Les XXVes Jeux olympiques d'hiver;[1] Italyano: XXV Giochi olimpici invernali), at karaniwang kilala bilang Milano Cortina 2026 o Milan Cortina 2026, ay isang nalalapit na pandaigdigang palaro na nakatakdang gaganapin mula Pebrero 06-22 2026 sa mga Italyanong lungsod ng Milan at Cortina d'Ampezzo. Tinalo ng Milan-Cortina d'Ampezzo ang nag-iisang pagtataya mula sa pinagsamang mga Suwesang lungsod ng Stockholm at Åre, 47-34, upang maihalal bilang punong-abalang lungsod sa ika-134 na sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) sa Lausanne, Suwisa, noong 24 Hunyo 2019.[2][3][4]

Palarong Olimpiko sa Taglamig 2026
Palaro ng {{{edition}}} Olimpiyada
{{{localname}}}
Punong-abalaMilan and Cortina, Italy
Salawikain
  • Dreaming Together
  • (Italyano: Sogniamo Insieme)
Seremonya
Binuksan6 February
Sinara22 February
Estadyo
Kronolohiya
Tag-initNakaraan
[[Palarong Olimpiko sa Tag-init Paris 2024|Paris 2024 ]]
Susunod
[[Palarong Olimpiko sa Tag-init Los Angeles 2028|Los Angeles 2028 ]]
TaglamigNakaraan
[[Palarong Olimpiko sa Taglamig Beijing 2022|Beijing 2022 ]]
Susunod
[[Palarong Olimpiko sa Taglamig 2030|2030 ]]

Ito ang magiging pang-apat na Palarong Olimpiko na gaganapin sa Italya at ang unang pamumunuan ng Milan. Mamarkahan ng palarong ito ang ika-20 na anibersaryo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006 sa Turin, ang ika-70 anibersaryo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 1956 sa Cortina d'Ampezzo at ika-80 anibersaryo ng Republika ng Italya . Ito ang magiging unang Palarong Olimpiko na may tampok na dalawang punong-abalang lungsod.

Pagtataya

baguhin

Pinili ng punong-abalang lungsod

baguhin

Ang Milan at Cortina d'Ampezzo ay nahalal bilang mga punong-abalang lungsod noong 24 Hunyo 2019 sa ika-134 na IOC Session sa Lausanne, Suwisa. Ang tatlong mga Italyanong kasapi ng IOC, na sina Franco Carraro, Ivo Ferriani at Giovanni Malagò, at dalawang Suwesong kasapi ng IOC, na sina Gunilla Lindberg at Stefan Holm, ay hindi maaring bumoto sa halalan ng pagkapunong-abalang lungsod na ito sa ilalim ng mga panuntunan ng Olympic Charter.

Resulta ng halalan sa pagkapunong-abalang lungsod ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2026[5]
2026 Winter Olympics bidding resulta
Lungsod Bansa Mga Boto
Milan-Cortina d'Ampezzo   Italy 47
Stockholm-Åre   Sweden 34
Isang pagmangil[5]

Mga pamantayan

baguhin

Ang isang mahalagang pamantayan para sa Palarong Olimpiko sa Taglamig ay ang pagkakaroon ng sapat na mga lugar para alpine skiing na isinasaalang-alang sa mga potensyal na lokasyon. Ang kalalakihan ng bundok palusong ay nangangailangan ng hindi kukulang sa taas ng pagbagsak na 800 metro (2,625 tal), na may haba ng kurso na nasa humigit-kumulang 3 kilometro (1.9 mi). Ang Bormio at Cortina ay mga kapansin-pansing at karaniwang lugar ng mga kurso ng World Cup para sa mga pagbaba ng kalalakihan at kababaihan, ayon sa pagkakabanggit.

Para sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2026, pinapayagan ng IOC ang mas malawak na distansya sa pagitan ng mga kaganapan, upang ang alpine skiing ay maaaring ganapsa palusong ng isang bundok, at ang panloob na mga kaganapan tulad ng ice hockey at figure skating ay maaaring ganapin sa isang malaking lungsod na hihigit sa 160 kilometro (99 mi) ang layo, kung saan ang mga istadyum ay nagamit na o magkaroon ng higit na paggamit pagkatapos ng mga laro.

Kinakailangan ng tiyak na kapasidad ng manonood, madalas na 10,000, ngunit nag-iiba ayon sa partikular na pampalakasan. Bukod dito, kinakailangan ang ilang mga lugar ng napakamahalagang mga katauhan (VIP) sa bawat lugar.

Ang komisyoner ng National Hockey League (NHL) na si Gary Bettman ay nagsabi na ang mga manlalaro ng NHL ay malamang na hindi makakasama kung ang palarong taglamig ay gaganapin sa labas ng Hilagang Amerika.

Mga lugar

baguhin
Lugar ng mga ganapan sa Hilagang Italya. Ang mga punong-abalang lungsod ay binilugan ng asul.

Assago stand-alone venue

baguhin

Panlulan

baguhin

Badyet

baguhin

Mga tampok na pampalakasan

baguhin
  1. Biathlon
  2. Bobsleigh
  3. Curling
  4. Ice hockey
  5. Luge
  6. Skating
  7. Skeleton
  8. Skiing

Mga makikilahok na Pambansang Kumiteng Olimpiko

baguhin

Mga karapatan sa pagsasahimpapawid

baguhin

Tingnan rin

baguhin
  • Mga Larong Olimpiko na ipinagdiriwang sa Italya
    • 1956 Winter Olympics - Cortina d'Ampezzo
    • 1960 Olympics ng Tag-init - Roma
    • 2006 Olympics ng Taglamig - Turin
    • 2026 Olimpiko ng Taglamig - Milan-Cortina d'Ampezzo
  • Mga Larong Paralympic na ipinagdiriwang sa Italya
    • 1960 Paralympics ng Tag-init - Roma
    • 2006 Paralympics ng Taglamig - Turin
    • 2026 Paralympics ng Taglamig - Milan-Cortina d'Ampezzo
  1. "French and English are the official languages for the Olympic Games.", .(..)
  2. "Lausanne To Host Vote For Winning 2026 Winter Olympic Bid Instead of Milan After Italy Enters Race". GamesBids. 20 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "IOC To Move Up 2026 Olympic Bid Vote Three Months, Now June 2019". GamesBids. 9 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Winter Olympics: Italy's Milan-Cortina bid chosen as host for the 2026 Games". BBC. 24 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Milan-Cortina awarded the Olympic Winter Games 2026". IOC. 24 Hunyo 2019. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin
Sinundan:
{{{before}}}
Winter Olympics
MilanCortina d'Ampezzo

XXV Olympic Winter Games
(2026)
Susunod:
{{{after}}}