Palatino ang pangalan ng isang lumang estilong serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Hermann Zapf, na unang nilabas noong 1949 ng Stempel foundry at pagkalaon ng ibang mga kompanya tulad ng Mergenthaler Linotype Company.[a]

Palatino
KategoryaSerif
KlasipikasyonLumang estilo
Mga nagdisenyoHermann Zapf
FoundryLinotype
Petsa ng pagkalabas1949
Mga baryasyonPalatino Nova
Palatino Sans

Galing ang pangalan sa ika-16 na siglong Italyanong dalubhasa sa kaligrapiya na si Giambattista Palatino, ang Palatino ay batay sa mga humanistang tipo ng Italyanong Renasimiyento na ginagaya ang mga titik na nagagawa gamit ang isang malapad na dulo (o nib) ng pluma; sinasalamin nito ang kahusayan ni Zapf bílang isang kaligrapo.[4] Ang malaking titik 'Y' nito ay nasa di-karaniwang estilong 'palad na Y', mula sa Griyegong titik na upsilon, isang katangian na matatagpuan sa ilan sa mga unang bersiyon ng titik tulad ng nasa Aldus Manutius.[5]

Mga pananda

baguhin
  1. Ang kadalasang binigay na petsa ay 1948, nang ginawa ni Zapf ang pagguhit nito. Sinusunod ng artikulong ito ang impormasyon galing kina Bringhurst at Kelly sa isang petsa ng paglabas noong 1949.[1][2][3] Ang taong 1950 ay kadalasang binibigay din bilang petsa ng pagkalabas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kennard, Jennifer. "The Natural History of Palatino". Letterology (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schneider, Nina. "Bringhurst: Zapf's California". American Printing History Association (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kelly, Jerry; Currie, Kit. The Book Typography of Hermann Zapf (sa wikang Ingles). p. 1.
  4. Zapf, Hermann. "I've been asked to tell you about myself and my types" (PDF) (sa wikang Ingles). Linotype. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 7 Abril 2016. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Shaw, Paul. "Flawed Typefaces". Print magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)