Palaugnayan
Sa lingguwistika, ang palaugnayan, sintaksis o sintaks ay ang sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.[1] Nagmula ang salitang sintaks sa Ingles na syntax na nagmula naman sa Sinaunang wikang Griyegong σύνταξις "pagkakaayos" mula sa σύν syn, "magkasama", at τάξις táxis, "isang pagsusunud-sunod"). Ito ang pag-aaral ng mga prinsipyo at mga patakaran sa pagbubuo ng mga pangungusap sa loob ng likas na mga wika. Maaari ring tumukoy ang salitang palaugnayan sa mismong mga batas o patakaran, katulad ng "palaugnayan ng isang wika". Ang makabagong pananaliksik sa palaugnayan ang sumusubok na ilarawan ang mga wika ayon sa ganitong mga panuntunan, at, para sa maraming mga tagapagsagawa, upang makahanap ng pangkalahatang mga patakarang magagamit sa lahat ng mga wika.
Paksa
baguhinSa larangan ng sintaks, mayroong iba’t ibang paksa na madalas may kaakibat na sintaktikong teorya na nakadisenyo para maipaliwanag at pangasiwaan ang partikular na paksang iyon. Dahil dito, ang relasyon sa pagitan ng mga paksa ay may iba’t ibang pagtrato sa iba’t ibang teorya, at ilan sa mga paksang iyon ay maaaring nagmula o nag-derive sa isa’t isa imbis na kinokonsiderang magkaiba sa isa’t isa (hal. ang kaayusang salita ay nakikita bilang resulta ng batas ng paggalaw na nagmula sa gramatikal na relasyon.)
Pagkasunod-sunod ng paksa, pandiwa at obyekto
baguhinIsa sa mga pangunahing deskripsyon sa sintaks ng isang wika ay ang pagkasunod-sunod ng paksa (S), pandiwa (V) at obyekto sa mga pangungusap. Higit 85% ng mga wika sa mundo ay inuuna ang paksa, maaaring sa pagkasunod-sunod na SVO o SOV. Mayroong rin ibang pagkasunod-sunod na posible kagaya ng VSO, VOS, OVS at OSV; mula sa mga ito, ang VOS, OVS at OSV ay bihirang nangyayari. Karamihan sa mga generative na teorya ng sintaks, ang mga mababaw na pagkakaiba ay nagmumula sa mas komplikadong clausal phrase structure, at ang bawat pagkasunod-sunod ay maaaring kasuwag sa maraming deribasyon. Subalit, ang pagkasunod-sunod ng mga salita ay maaring repleksyon rin ng semantiks o ang paggamit ng mga elemento ng pangungusap.
Relasyong Gramatikal
baguhinIsa ring paglalarawan sa wika ay ang pagkonsidera ng mga set ng mga posibleng relasyong gramatikal sa wika. Sa pangkahalatan, ito ang kung paano sila kumikilos ayon sa isa’t isa sa ilalim ng morphosyntactic alignment (relasyong gramatikal ng mga argumento) sa wika. Maaari ring repleksyon ng deskripsyon ng relasyong gramatikal ang transitivity (kakayahan ng pandiwang kumuha ng obyekto at ilan ang kayang kunin nito na obyekto), passivization (ipinapahayag ng gramatikal na paksa ang theme o patient ng pangunahang pandiwa) at head-dependent-marking (ipinapakita ang kasunduan ng mga salita sa pamamagitan ng gramatikal na marka) o iba pang argumento. Ang mga wika ay may iba’t ibang pamantayan para sa relasyong gramatikal. Halimbawa, ang pamantayan ng subjecthood (kondisyon o katangian ng pagiging paksa) ay maaaring may implikasyon sa kung paano tinutukoy ang paksa mula sa pang-uring sugnay o coreferential (higit dalawang ekspresyon na tumutukoy sa isang tao o bagay) kasama ng elemento sa loob ng infinite clause.
Constituency
baguhinAng constituency ay ang katangian ng pagiging isang konstityente at kung paano makabuo ng konstityente (o phrase) ang mga salita. Madalas naigagalaw ang mga constituent bilang yunits, at ito ay maaaring ang domain of agreement. Ilan mga wika sa mundo ay pumapayag sa discontinuous phrases kung saan ang mga salita na nagmumula sa isang constituent ay hindi agad magkatabi-tabi kundi nahihiwalay sila gamit ng mga iba pang konstityente. Ang konstityente ay maaring recursive (ang paguulit ng paggamit ng partikular na uri ng linguistic element o istrukturang gramatikal), dahil posibleng nailalaman nito ang ibang konstityente na kapareho ang uri.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.